" May artista na Ko ang apilyedo?" agad na pagtatanong ko kay Eunice.
" Oo ano kaba, anong klase kang direktor na di mo kilala si Chris Jin Ko" ani niya sakin na tila subrang nadidismaya kasi di ko kilala sinasabi niya.
Pinipilit kong isipin kong nakikilala ko ang binabanggit niyang pangalan pero wala talaga e,
" Wala talaga ako maalala" ani ko sa kanya.
" Ayan manuod ka kasi ng TV subrang galing niyang umakting, yung tipong pag umiyak siya, maiiyak ka din" ani ni Eunice sakin.
" Sorry di ko talaga kilala sino yan, if related siya kay Sophiah baka soon magkikita din kami" ani ko sa kanya.
" Balik na tayo sa shooting ako na muna, pahinga ka muna. Basahin mo din yang script tapos sabihin mo sakin if may kailangan erevise para maiparevise ko na kay Sophiah" ani ko kay Eunice kasunod non ay naglakad na ako papunta mismong area for the scene.
"BACK TO WORK, BACK TO WORK!" pagsigaw ko para tawagin ang mga staff na kaagad namang nagsisilapitan.
At ilang minuto pa ay nakapagsimula na kami ng take ng isang scene. Hanggang sa nakatapos kami ng 5 scenes sa iisang location at eksaktong 6:00 ng gabi nagpack up na kami.
" So guys I have something to tell you"
Isa isa kong tinitigan ang mga mata ng mga artist at staff na maiiwan ko para sa bagong staff na makakasalamuha ko.
Wala silang kaalam alam na ito na pala ang huling ihahandle ko sila.
" So, paano ba to. Kaya wala ako kaninang umaga is because nalate ako ng gising and I had an exclusive meeting with our boss--" panimula ko.
" And he offer me this new series, hindi naman ako makatanggi sa kanya. So I accepted it. So what will happen Eunice will be your Director, I'm no longer your director but then again esusupervised ko pa din kayo pupunta punta pa din ako dito to check on you guys"dagdag ko pa, bakas na sa mga mata nila yung lungkot for almost 5 months na nagkatrabaho kami, isa isa na kaming naging malapit sa isat isa.
"Direk is it because of me? Ako nalang po aalis" malungkot na sambit ni Kean.
Kaagad gumuhit sa labi ko ang ngiti at bumubuo na ang luha sa mga mata ko.
" No, its not about you, its not anybodys fault. Its just that I need to do this big project of our company, but dont worry magpapakita pa din naman ako dito pupunta ako dito everyday to check you guys kaya ikaw Kean continue improving okay? I know your a good actor sadyang komedyante kalang kaya di mo kaya ang mga intimate scenes pero theres always a room for improvement. And I know you can okay?"
" Ikaw Ellaine, your such a good actress, continue doing it. Dont stop! And sawayin mo yang kapartner ko na estatwa ha? Kasi marami pa kayong mga intimate scenes and gusto ko makita kayo sa Baeksang Award, understand?"
" You are all amazing, pasensiyahan niyo ako if nasigaw ko kayo, nasungitan o sumama loob niyo sakin. Pero know that its for your own sake. Trabaho lang walang personalan" pabirong sambit ko sabay patagong pagpunas sa luha ko.
" Mamimiss ka namin Ms.Kang" umalingaw ngaw ang mga salitang yan sa bibig ng mga staff na iiwan ko.
" Please be good to Eunice ha? Sigawan mo Eunice if di sumunod sayo okay?" ani ko pa.
" O siya pack-up na tayo, take a rest today and tomorrow will have a small party next next day na kayo magresume ng shooting"
At pagkasabi ko non sumunod sigawan ng lahat ng staff ang iba ay nagtatalon.
Ilang minutong kwentuhan ay pinili na naming magsiuwian, sinakay ko si Eunice sa kotse para ihatid na din siya sa condo niya bago ako umuwi.
RING..
RING..
"Yes,hon?" agad na bungad ko kay Tristan.
[ Asan ka na? Pumunta ako sa apartment mo wala pang tao ]
"Di pa ako nakakauwi hon, on my way pa ihahatid ko muna si Eunice sa condo niya"
[Ah I see, intayin kita dito. I miss you. Ingat pauwi]
"I miss you too hon, I will" matapos ay agad na din nacall ended.
"Napakaeffort niya talaga sayo Andrea no? Sana may makita akong ganyang lalaki katulad ni Tristan" panimula ni Eunice sakin habang nagmamaneho papunta sa condo niya.
" Oo nga e Eunice e nahihiya nga ako kasi parang di ko matumbasan ginagawa niya" ani ko sa kanya.
Tumitig sakin si Eunice na tila inuusisa ang muka ko.
" Mahal mo naman diba?" tanong ni Eunice na di ko alam kong ano isasagot.
" Oo mahal ko , ano ka ba?" agad na sagot ko sa kanya.
" Mahal mo more than friends? Yung naiimagine mo siyang maging asawa?Yung maging ama ng mga anak mo?" muling pagtatanong niya sakin.
" uy grabe ka naman asawa agad?Anak agad? 1 month palang kami uy nasa stage pa kami ng getting to know each other" agad na pag-alma ko sa mga tanong niya.
Napakunot ang noo ni Eunice sa sinagot mo sa kanya.
" Andrea nagsisinungaling ka! Nasa Stage pa kayo ng getting to know each other so it means di mo pa siya kilala kahit 7 years na kayong magkaibigan?" para akong mabubulunan sa tanong niya, parang di ko alam paano o ano isasagot.
" Eunice ano ka ba syempre iba yung friendship sa relationship. Kilala ko siya as a friend pero di ko kilala ugali niya kapag pagmamahal ang usapan"
Napatango tango nalang si Eunice at di na muling nagtanong pero nanatili siyang nakatingin sa akin.
Maya maya lang narating na naman ang condo ni Eunice at isa isa niyang binitbit ang dala niya.
At bago bumaba sa kotse ko.
" Andrea, hanapin mo sa kaibuturan ng puso mo yung sagot sa mga tanong ko. Kasi alam ko nagsisinungaling ka sakin. Dont forced your heart to love someone you do not love. Nakakasuffocate yun" ani niya at tuluyan ng bumaba ng kotse at kumaway sakin.
Habang ako hilaw na tawa lang ang binalik ko sa kanya. Habang tinatahak ang daan pauwi sa apartment ko paulit ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga tanong ni Eunice sakin.
" Mahal ko ba si Tristan? Mahal ko ba talaga siya more than friends?"
YOU ARE READING
US 사랑의 숨겨진 기억
FanfictionWhat can you give in the name of love? Can you give up everything for love? Will you fight or just give up? Ma. Andrea Kang, Chris Jin Ko, Tristan Lee, and Stephanie Tan. Four people with different perspectives on what true love really means. As th...
