CHRIS JIN'S POV
I miss you even more now
You're by my side, but I still miss you
My feelings toward you -
They're growing endlessly
Hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa ko, but I just want to talk to her. Bago ako dumiretso sa pupuntahan namin tumigil ako sa isang convenience store para bumili ng makakain namin, pati nadin limang boteng soju.
Nakasandal pa din siya sa side mirror, ilang minuto ko siyang tinitigan bago ako pumasok sa kotse. Alam kong kakaiyak niya lang dahil bakas sa iyon sa mga mata niya kahit nakapikit.
Maya maya pumasok na ako sa kotse at dahan dahang binaba ang binili ko at muling bumalik sa pagmamaneho.
Napabuntong hininga pa ako bago ko muling pinihit ang manibela.
Nagpatuloy ang tugtog sa kotse habang ako patuloy sa pagmamaneho. Habang papalapit ng papalapit ang lugar na pupuntahan namin, lumalakas din ang tibok ng puso ko.
At maya maya nga ay narating na namin ang bahay.
Natutulog pa din siya, kaya pinause ko nalang yung tugtog at dahan dahang lumabas ng kotse dala ang mga binili ko kanina.
Hindi ko nalang siya ginising, baka makaistorbo ako sa himbing ng tulog niya.
Ang laki na ng pinagbago ng lugar, siguro dahil hindi na nalilinisan.
Umupo ako sa sementadong parte ng daanan at nilapag ang binili ko sa convenience store kanina.
Nakaharap ako ngayon sa bahay na punong puno ng damo. Ang bahay kung saan ako lumaki.
Binuksan ko ang isang bote ng soju, at dahan dahan itong iniinum habang inaalala ang mga alaala sa bahay na to.
" Di mo man lang ako ginising , umiinom ka na palang mag-isa" ani ng nasa likuran ko na siyang agad ko namang nilingon.
" Upo ka, di na kita dinistorbo baka antok na antok ka na, kumusta pala tulog mo?" ani ko sa kanya sabay lahad na din ng isang boteng soju sa kanya na kaagad naman niyang kinuha sa kamay ko.
Umupo siya sa tabi ko at tulad ko ay tinitigan ang bahay na nasa harapan namin.
"B-bakit mo ko dinala dito?" pagtatanong niya.
" I know there's something that bothers you, and just like you, there is someone---someone in the past that bothers me" nauutal na ani ko sa kanya.
Nakita kong tumingin siya sa akin matapos kong sabihin iyon sa kanya, pero nanatili akong nakatingin sa bahay para iwasan ang makipag eye contact sa kanya.
" If that someone--- is in past already--- then why you keep on bothering yourself?" nauutal na tanong niya.
" I dont know, maybe because I dont want her to be my past?--- "
YOU ARE READING
US 사랑의 숨겨진 기억
FanfictionWhat can you give in the name of love? Can you give up everything for love? Will you fight or just give up? Ma. Andrea Kang, Chris Jin Ko, Tristan Lee, and Stephanie Tan. Four people with different perspectives on what true love really means. As th...
