CHAPTER 10

86 2 0
                                        

"Yehey! At last makakatrabaho na kita " ani ni Sean sabay malakas na palakpak.

"So eready mo na lahat para sa audition bukas a, para maaga tayo makashoot " ani ko sabay pabagsak na umupo.

Hindi ko alam bigla ko nalang naramdaman na parang subrang bigat, nakakahingal kahit wala naman akong ginagawa.

"Direk? Ok ka lang? Gusto mo kuha kita ng tubig?" agad na ani ni Sean sakin.

Umiling iling ako  para sabihin na wag na , bahagya ko nalang hinahaplos ang dibdib ko at makailang beses na huminga ng malalim.

Habang si Sean nakatingin lang sa akin.

"Direk ok ka lang ba talaga? Namumutla ka na " ani ni Sean sakin pero hindi pa din ako nagpakuha ng tubig.

" O---okay la---lang a--a--ako mawawala din to" utal utal kong sambit.

Pinikit ko nalang mga mata ko at dahan dahang isinandal ang ulo ko sa upuan habang dahan dahang hinahaplos ang dibdib ko.

FLASHBACK ( POV)

"  Good Morning to everyone, maraming salamat po sa pagpunta dito. Bago po ako magsimula I just want to say that this song is for my bestfriend. Kung nandyan ka man para sayo to Amara"

Inayos niya ang suot niya at dahan dahang pumikit.

" Amara, this is for you---My heart is fluttering, this feeling good" panimula niyang kanta.

Subrang daming tao sa birthday niya, pansin ko din na palingon lingon ang mga tao marahil ay para hanapin ang Amara na tinatawag niya.

Wala siyang alam na pumunta ako, dahil wala din naman akong balak na pumunta.

Pero parang yung puso ko gustong pumunta.

"Your fragrant breath that gently permeates"

Habang nasa malayo ako kitang kita ko ang muka niya, kitang kita ko ang emosyong tinatago niya.

Gustong gusto kong lapitan siya at sabayan siya sa pagkanta.

Gustong gusto ko. 

Gustong gusto ng puso ko.

"It's okay if it's a little late because I'm you anyway"

Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na wag umiyak.

Pinipilit ko na wag pumatak ang luhang kanina pang nasa gilid ng mga mata ko.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko at sinabayan ang pagkanta niya.

"Step by step slowly"

"Step by step slowly"  damang dama kong pagkanta.

"You knocked on my heart" 

Hanggang sa napapansin ko sa tinig niya ang pagkapaos na tila pinipigilan ang pag-iyak nito.

Pero hindi ko minulat ang mata ko, ayaw kong imulat ang mata ko.

"You--- belong-- to my world" at sa puntong ito dinig na dinig na ng tenga ko ang pagkabog ng dibdib niya.

Sinabayan ko pa din siya habang isa isa ng pumapatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan

"You belong to my world"

Hinayaan ko ang sarili ko na umiyak, na iluha sa huling sandali.

"You belong to my heart"

"You belong to my heart"

At sa mga oras na to, sabay na kaming pigil at tago ang pag-iyak.

US  사랑의 숨겨진 기억Where stories live. Discover now