CHAPTER 5

70 3 0
                                        

Lumingon ako kaliwat kanan para makita si Sophiah pero wala na akong nakita.

"Baka umalis na, pero sabi ko intayin ko e"  ani ko sa sarili sabay kamot sa batok ko.

Kaya pinili ko nalang dumiretso sa elevator para pumunta na sa set kung nasan sila Eunice.

Habang nasa loob ako ng elevator binuklat ko ang ang unang page ng script ni Sophiah.

" True Story?" ani ko pa sa sarili habang iniiscan ko ang bawat letra ng script niya. Hanggang sa nawili akong basahin ako. 

Na siyang kinabigla ko ng biglang tumunog ang elevator dahil nasa ground floor na pala ako kung saan nakagarahe ang kotse ko.

Tinungo ko ang kinaroroonan ng kotse ko at kaagad na pumasok dito, at marahang nilapag ang script sa may tabi ko.

At muli ay nagmaneho ako papunta kila Eunice na di naman kalayuan sa SBS building.

RING..

RING..

RING..

"Yes,hon?" agad na bungad ko ng makitang tumatawag si Tristan.

[ I was worried kanina ka pa kasi di sumasagot sa text ko, sorry kung naistorbo kita. Nag-aalala lang ako]

"Omaygaaah hon I thought nireplayan na kita, di pa pala. Sorry. Subrang busy kasi galing ako sa meeting with boss. Sorry hon"

[ Its okay hon, all is well. Basta okay ka , okay na din ako. Next time update me naman please]

" Yes, hon. I will so sorry again. Papunta ako sa set ngayon, may bago akong series " excited na pagkakasabi ko sa kanya pero bigla naman na end ang call.

" Pinatayan ba ako non?" pagtatanong ko sa sarili.

Hindi ko nalang pinansin baka kasi may pasyente na or nandyan ang boss kaya di nakapagpaalam.

Maya maya din ay narating ko na ang location ng set kung saan nagshoshoot at kaagad akong binungad ni Kean ng isang malakas na pagtawag na siyang kinagulat ko.

" DIREEEEEEEK!"

" Oh bakit?" agad na sambit ko na halos magdikit na ang dalawa kong kilay sa kanya.

" Marunong na ako" excited na ani niya sakin na tumatalon talon pa.

"Direk marunong na ako" dagdag pa niya habang ako nakakunot pa din ang noo dahil hindi ko alam ano ibig niyang sabihin.

"Marunong ka na ng ano?" ani ko sa kanya habang kinukuha ang script na nasa tabi ko kanina.

Ngumunguso nguso niya sa harap ko, sa di ko malamang dahilan.

"Nababaliw ka na Kean?Eunice nananghalian na ba to?" pagtawag pansin ko kay Eunice pero tumatawa lang ito at muling itinuon ang pansin sa shooting.

"Marunong na ako ng ganto direk o " sambit uli ni Kean na parang pinapahulaan sakin at muli ay ngumunguso uli.

" Kean sabihin mo na ibabato ko to sayo sinasabi ko sayo" ani ko sa kanya sabay akmang ibabato sa kanya ang makapal na script ni Sophiah.

"Direk ang slow, marunong na ako humalik kako kaya ako ngumunguso"

"Ay ganon ba? Pakita nga" paghahamon ko pa sa kanya.

"Sandali direk kapag natapos sila, just watch and learn" ani ni Kean sakin na tila pa excited ipakita improvements niya sakin.

Inintay namin na matapos sila mashoot pero ilang minuto na ang nakalipas di pa din sila natatapos.

"Direk ang tagal ,patigilin mo nga muna direk gusto ko na ipakita sayo paano ako humalik"

Nanliit ang mata ko sa sinabi niya.

" Siguraduhin mo lang na nagimprove ka, wag mo ako pinagloloko Kean ha!"

" Promise nga improvement to direk , patigilin mo nga kasi muna "

"Umayos ka ha, malilintikan ka sakin sinasabi ko sayo." pagbabala ko sa kanya.

"EUNICE BREAK MUNA!GUSTO KO MAKITA TONG LALAKING TO HUMALIK IMPROVEMENT NA DAW" pagtawag ko sa kanila. At sabay sabay naman silang tumawa.

"Direk! Wag please, putakte parang baboy yan humalik nilalamon buong labi direk wag kang maniwa---" agad na sigaw ni Ellaine pero kaagad itong naputol dahil hinalikan na siya ni Kean.

Agad nalang kami napatakip  sa bibig di ko malaman kong matatawa ako o maiinis sa kanya.

"Huuuy kean tama na sample lang gusto ko, napapasarap ka ata dyan. Awatin niyo " agad na ani ko ng mapansing yung sample na hinihingi ko sa kanya e parang tinutotoo ni Kean.

" Sabi ko sayo direk e , sinong baboy?Ha? Sino?" maangas na sambit ni Kean sabay akbay kay Ellaine.

"Ang weird!" ani ko sa sarili.

Nag 30 minutes break muna sila, kaagad kong kinawayan si Eunice para pumunta sa kinaroroonan ko para ipakita sa kanya ang script na hawak hawak ko.

Na agad namang tinalima ni Eunice.

" Eunice" panimula ko ng makalapit na siya sakin.

Agad siyang umupo sa tabi ko at dahan dahang ibinigay sa kanya ang script.

"Ano to? Magrerevise tayo?" agad na ani niya.

Umiling iling ako bilang sagot ko sa kanya.

" E ano to Andrea?" pagtatanong niya pa uli sakin.

" My new----project to--- work on"  nauutal na sagot ko.

Agad na nandilat ang mata niya at dali daling binuklat ang unang pahina ng script kung saan makikita ang title nito.

"Hidden Memories of Love? Bakit mo tinanggap e pano to? Wag mo sabihin double project ka?" pagtatanong niya sakin.

" Inooffer sakin ni Boss, e di naman ako makahindi kasi gusto niya daw ako magdirek niyan. Tapos sabi niya ikaw daw magdirek neto pero dont worry esusupervise pa din naman kita, pupunta ako dito araw araw para echeck kayo" agad na pagpapaliwana ko para di sumama ang loob.

" Ako? Eh Andrea naman di ko pa kaya ng ganito kalaking project" 

" Tutulungan naman kita dont worry, if ito naging successful credit sayo.  It's your time to be a director and not an Assistant Director anymore Eunice"  pagpapakalma ko sa kanya.

" Andrea kasi naman, basta pupunta ka parin dito a" paninigurado niya sakin.

" Oo nga , I promise. This is your time to shine. Know that I always got your back" ani ko sa kanya.

" By the way, inform Kean and Ellain sayo pa naman sila subrang humuhugot ng lakas para magimprove sa acting skills nila lalo na yang Kean na yan" ani ni Eunice na siyang dahilan para di ako makapagsalita.

Kasi kahit naman ganito si Kean, he's a good actor parin sa comedy nga lang hindi sa intimate scenes.

" Tulungan mo ako , mamaya ko sasabihin baka kasi any moment magconfirm na yung kinokontact ni boss para maglead sa series na yan, magtaka pa sila Kean na bigla akong wala"  ani ko sabay tingin sa kinaroroonan nila Kean at Ellaine

" Rookie ata tong writer a? Pero infairness first scene palang interesting na ang story niya" sambit ni Eunice habang binabasa ang first scene ng script.

" Oo rookie na rookie Eunice 18 years old pa"

Napanganga si Eunice pagkatapos kong sabihin ang edad ni Sophiah.

"Talaga? Subra talaga sigurong ganda ng istoryang ito para gawing big deal ni Boss, Ano ba pangalan ng writer nito?"

" Sophiah-- Ysa-bella Ko? Sophiah Ysabella Ko" agad na sagot ko sa kanya.

" Ko? Related ba siya sa sikat na artista ngayon?"





US  사랑의 숨겨진 기억Donde viven las historias. Descúbrelo ahora