Hindi ko alam anong pumasok sa utak ko sa mga oras na to.
Kung bakit niyakap ko siya.
I hugged him so tight. So tight that I can already hear his heartbeat.
He was just standing straight, maybe he doesn't know how to react.
"Direk, okay ka lang?" aniya habang yakap yakap ko siya.
Pero imbes na magsalita at sagutin siya, I cry so hard.
"Shh okay, you can cry all you want" ani niya.
"But I cant comfort you without knowing what's going on---direk" dagdag pa niya.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya, wipe my tears at humarap sa karagatan.
" Paano ba magpatawad?" ani ko habang pinipigil na muling pag-iyak.
" Time heals, and when that time comes it is now easy for you to forgive, you just need to wait for that time" sagot niya.
Napabuntong hininga ako bago magsalita.
" Kaso--kaso ilang taon na akong nagiintay sa letcheng time na yan! Pagod na ako, pagod na pagod na ako--"
" sa kakapilit sa sarili ko Andrea! magpatawad ka na!patawarin mo na siya, patawarin mo na sila, patawarin mo na ang mommy mo" ani ko kasunod ang muling pagbuhos ng luha mula sa mga mata ko.
Humarap ako kay Chris.
" Bakit ang hirap? Bakit ang hi--hirap hirap" pag-iyak ko sa harapan niya.
"Bakit ang daling sabihin pero bakit dito ang hirap" ani ko sabay turo sa puso ko.
Pero imbes na sagutin niya ako, binitawan niya ang payong na hawak niya kasunod non ang pagyakap niya sa akin.
" Hindi natin matuturuan ang puso kung anong dapat nating maramdaman" ani niya habang mahigpit na nakayakap sa akin.
" As I first saw you, I already knew na malakas ka. Wag mo muna ipilit kung di pa kaya, at the right time at the right moment your heart can forgive --- it's just that it's not today but definitely soon" dagdag pa niya.
Ramdam na ramdam ko ang sincerity sa mga sinasabi niya, sa higpit ng yakap niya.
Tinugon ko ang yakap niya kasunod non ang pandidilim ng paningin ko at pamamanhid ng buong katawan ko sa di ko malamang dahilan.
Nagising nalang akong nasa kotse , walang kasama at malakas na tugtog na siyang nagpagising sakin.
[My heart hurts whenever I look at you. It hurts as much as I love you]
Inikot ko ang paningin ko sa paligid pero walang tao doon.
Lumabas din ako ng kotse ko pero wala akong nakita.
"Nasan siya?" agad na sambit ko sa sarili at bumalik na din sa loob ng kotse.
[Because it's a love I shouldn't have]
Hinawakan ko din ang damit ko para echeck.
"Teka! Nananaginip ba ako?" ani ko sa sarili sabay tingin sa kalsada na walang bakas na umulan.
" So all this time I was just sleeping ?" muling pagkaklaro ko sa sarili.
Napailing iling ako at agad na napasapo sa ulo ko.
" Sa dami dami ng mapapanaginipan ko bat yung lalaking yun pa" ani ko sabay untog ng ulo ko sa manibela ng makailang beses.
Humugot ako ng napakalalim na hininga at muling tumingin sa dagat bago pinaandar ang kotse ko para pumunta na sa audition.
Mabilis ang pagmamaneho ko kayat nakarating ako ng maaga sa usapan namin ni Sean.
Pagkadating ko don prepare na lahat at mataas na din ang pila ng nag-oaudition.
Umupo ako sa tabi ni Sean at dali daling binuksan ang folder na nasa harapan ko.
"Direk, bakit parang basa ka ata?" bulong sakin ni Sean.
Na kaagad ko namang pinagtaka dahil wala naman akong nararamdaman.
" Saan?" agad na sambit ko sa kanya.
" Ito o,grabe naman yung wala kang maramdaman direk pumapatak patak pa ang tubig sa damit mo, sinuot mo tong di pa tuyo?" ani niya sabay hawak sa laylayan ng damit ko.
"Okay excuse me , papatuyuin ko muna" ani ko sabay tayo at dali daling pumunta sa C.R at itinapat ang laylayan ng damit ko sa hand blower.
" So ano ba talaga? Nananaginip ako o totoo?" ani ko sa sarili habang pinapatuyo ang damit ko.
" Di naman umulan, wala din siya sa paligid. Imposible naman atang iwan ako nung lalaking yun--pero pwede. Ay ewan ang gulo" ani ko sabay kamot sa ulo ko.
Nang mapansin kong medyo tuyo na ito , lumabas na din ako sa C.R at dumiretso na sa audition.
" Si Sophiah nasan na siya?" pagtatanong ko kay Sean.
"I'm here miss Andrea" agad na tawag niya sa likuran ko kaya napalingon ako.
Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil agad akong napatitig sa kasama ni Sophiah, si Chris.
Hindi ko alam kung segundo o minuto ko siyang tinitigan.
"Ah o--okay take your seat here" nauutal na sambit ko sabay ngiti sa kanilang dalawa.
" Pwede din ba akong umupo direk?" ani naman ni Chris.
"Ba--kit?" nauutal na pagtatanong ko sa kanya.
" Because ako yung lead, so pwede naman siguro akong maging part sa pagpili diba?" pagpapaliwanang niya kaya napatango nalang ako.
Kaagad siyang ngumiti at dali daling hinila ang umupuan sa tabi ko.
" Si So--sophiah diyan, may indicated name o don ka" mahinahong sambit ko sabay turo sa kasunod na umupuan.
"Oh I see, sorry" agad na ani niya sabay ngiti at lumipat sa kabila.
Maya maya sinimulan na namin ang audition and every contestant nagbibigay kami ng advice.
And whenever he speaks I always find myself staring at him.
Palihim ko siyang tinitingnan mula dito sa kinauupuan ko, hindi ko alam kung bakit maybe I was just curious.
Matapos ang audition nakapili na kami ng casting namin, and simula bukas we decided to start the shooting na para di maghabol sa oras since may specific airing ng nakaschedule.
" So tomorrow guys please prepare okay? Magshoshoot na tayo. And know that I am very strict to the eye to eye contact, emotions, and how you deliver your lines so better practice it tonight okay?" pagbibriefing ko sa kanila.
" Yes, direk." agad na sagot ng mga talents na nakuha namin from audition.
"Okay, see you tomorrow " pagpapaalam ko sa kanila.
"See you direk" sagot naman ni Sophiah.
Matapos ay kaagad akong tumalikod para pumunta sa office ni boss to check other artist.
Pero kaagad akong huminto sa paglalakad at lumingon sa kinaroroonan nila Sophiah na nooy may kinakausap na staff.
"CHRIS" sigaw ko na siyang dahilan para lumingon sa kinaroroonan ko silang dalawa ni Sophiah.
Itatanong ko sana kong nandon siya sa dagat kanina. Pero imbes na yun yung sabihin ko iba ang lumabas sa bibig ko.
" I WANT YOU TO BE AT YOUR BEST TOMORROW!"
ВЫ ЧИТАЕТЕ
US 사랑의 숨겨진 기억
ФанфикшнWhat can you give in the name of love? Can you give up everything for love? Will you fight or just give up? Ma. Andrea Kang, Chris Jin Ko, Tristan Lee, and Stephanie Tan. Four people with different perspectives on what true love really means. As th...
