CHAPTER 13

47 1 0
                                        

Matapos kong kausapin si Dr. Sul about sa nararamdaman ko kaagad akong bumyahe.

Bago sumabak sa isang napakabusy na pagshoshoot.

" Sean, mamayang tanghali tayo papaaudition please pakiprepare na lahat okay?" ani ko kay Sean na nasa telepono.

" Yes, direk I will" ani niya.

Matapos ay pinatay ko na ang tawag at nagpatuloy sa pagmamaneho.

I want to release all my stress, I want to forget everything ilang taon na din akong nagsasuffer sa pangyayaring kinakalimutan ko.

At tama na siguro ang ilang dekadang pagpaparusa sa sarili ko. Pasayahin ko naman minsan ang buhay ko.

And the only way to do it is balikang ang mga lugar na gusto kong kalimutan, ang lugar na naging bangungot sa akin.

Di ko mabilang kong ilang beses akong bumuntong hininga habang papalapit ako sa mga lugar na yun.

Hininto ko sa di kalayuan ang kotse ko at agad na napahawak sa dibdib ko. Kitang kita ko ang mommy dito sa kinaroroonan ko.

Gustong gusto kong lumabas ng kotse, tumakbo papunta sa kanya at yakapin siya ng mahigpit pero nangingibabaw ang galit sa puso ko.

Sinariwa ko ang lahat ng alaala na meron ako sa bahay na nasa harap ko ngayon, lahat ng masaya at malungkot na alaala.

Agad akong napapikit at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

" Sorry mommy, I'm so sorry balang araw mapapatawad din kita. Pero sa ngayon, hindi ko pa kaya" ani ko kasunod noon ang pagpaandar ko sa kotse at dumiretso sa kasunod na lugar.

Medyo may kalayuan iyon galing sa bahay, ang laki ng pinagbago ng lugar na kinalakihan ko. Naninibago ako sa mga nakikita ko.

Habang nasa byahe I insert my phone sa wire para magpatugtog habang nasa byahe para din to uplift my mood.

I let my playlist choose a song for me, pero imbes na sumaya ako pero parang lalo ata ako nalungkot at mas lalong nagsenti.

[Another day longing for youI want to see you, I close my eyes]

Pakiramdam ko suportado ako ng playlist. Kaya nakinig nalang ako at hinayaan ko ang sarili ko na kainin ako ng kalungkutang nararamdaman ko.

[The growing distance between You and I . Don't do it, don't do it, don't]

Umiiyak akong tinungo ang lugar kung saan puno ng masasayang alaala.  Ang dagat kung saan una ko siyang nakilala.

[We're not supposed to fall in love. Love is truly selfish]

Ilang minuto tanaw ko na ang lugar, kasunod noon isa isang pagbabalik ng mga alaala. Dinig na dinig ko sa tenga ko ang mga tawa.

[Once again, it's hard just to see you. My heart, my heart hurts]

Paulit ulit na pagtawag niya sa pangalan ko dali dali kong hininto ang kotse.

At kaagad na sinubsob ang muka ko sa manibela kasunod ang pagtakip ng dalawang kamay ko sa magkabilang tenga ko.

" TAMAA NA! TAMA NA!" humahagulhol kong pag-iyak.

[It hurts as much as I love you. Because it's a love I shouldn't have]

Nagpatuloy na ang mga boses na nadidinig ko, tumatawa at sa pagkakataong ito nakikita ko na ang muka niya.

" PARA NIYO NG AWA TAMA NA PLEASE" 

Hinahabol ko na ang sarili kong hininga sa oras na to.  

[Only my heart knows, how precious you are. My heart hurts whenever I look at you]

Dahan dahan kong inangat ang ulo ko mula sa pagkakasubsob ko sa manibela at binuksan ang pinto at lumabas na din doon.

At agad sumalubong sakin ang isang malamig na simoy ng hangin at maya maya ay isa isang pumatak ang ulan.

 Na tila ba'ga sinasabayan ang pagluha ko.

Paisa isang hakbang habang patuloy ang padaloy ng mga luha ako.

Hanggang sa marating ko ang dalampasigan at dahan dahan akong nanghina.

Napaluhod ako sa mga buhangin at napayuko.

" Lord, deserve ko ba ang paulit ulit na sakit na to? Deserve ko ba?" ani ko.

" Ano bang kasalanan ko lord? Please teach my heart to forgive please" dagdag ko.

At sa oras na to, wala na akong pakialam kong uuwi akong basang basa sa ulan.  Hindi na ako natatakot sa pagkulog at kidlat ang gusto ko sa mga oras na makalimot. 

" Ito na ang huling pag-iyak ko sa nakaraan, ito na ang huling beses na papatak ang mga luha ko." ani ko sa sarili at kasunod noon ang malakas na paghagulhol.

Pag-iyak na tila wala ng bukas, pag-iyak na bukas hindi na ulit ako iiyak.

" Miss? " 

Agad akong napapunas sa luha ko at dahan dahan nilingon ang lalaking tumatawag sa likuran ko.

" Miss magkakasakit ka" ani niya pero nagulat ako ng makita kong sino siya.

" Chris?"

"Direk?"

Patakbo niya akong pinayungan habang ako dali daling inayos ang sarili ko.

" Bakit ka nandito?" agad na pagtatanong ko sa kanya.

" I should be the one asking you, bakit ka nandito?" giit niya sabay titig sakin.

Hindi ko masagot ang tanong niya bagkos ay naglakad nalang ako palayo para iwasan ang tanong niya.

" Direk you should go home na basang basa ka na" pasigaw niya sa akin pero nagpatuloy ako sa paglalakad.

"ANDREA!" malakas na pagsigaw niya kaya napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya.

Hawak hawak ko na ang dalawang braso ko dahil damang dama ko na ang lamig na nararamdaman ko.

Nang makalapit na siya sa akin tumitig siya sa mga mata ko.

" Hold this" ani niya sabay bigay ng payong na hawak hawak niya.

Kasunod noon ang paghubad niya sa suot suot niyang jacket.

" You wear this, ibalik mo nalang kapag okay ka na or kapag nagstart na tayo ng shooting" ani niya sabay lagay ng jacket niya sa balikat ko.

Tinitigan ko lang siya , sa mga mata niya.

Hanggang sa I just notice myself hugging him.






US  사랑의 숨겨진 기억Where stories live. Discover now