Extra Chapter : Christmas Special

1.6K 49 5
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


*****

*****

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Its 24th of December at hindi magkandamayaw ang mga tao sa Divine Heart. Madami pa kasi ang labas masok na pasyente sa ospital at abala ang mga Doctor at Nurse sa kaniya kaniyang department. Wala naman talagang day off ang trabaho nila at iilan lang ang puwedeng mag off duty sa bisperas ng Pasko. Kaya't madalas ay sa ospital na nagpapasko ang mga empleyado.

“Ate Sam.” tawag ni Mia sa Unit Manager na si Sam. Hinabol niya ito sa hallway habang on going ang rotation niya. Ito kasi ang daily errands niya bilang Head Nurse ng ospital. Titignan niya kung on duty lahat ng nurse at maayos nitong ginagawa ang trabaho lalo kapag night shifts sila. At dahil dedikado si Sam sa kaniyang trabaho ay walang nakakatakas na katamaran at kapabayaan sa kaniya. Kaya't nakilala siyang pinaka magaling na Nurse hindi lang sa Divine Heart kundi sa ibang ospital din.

“Break time mo?” tanong niya sa Junior Trainee na si Mia. Tumango ang dalaga. “Bisperas na mamaya, Ate. Dito ulit kayo magpapasko ni Doc?” she is referring to Zander. Taon taon kasi ay halos inaabutan na ng Pasko ang mag-asawa sa trabaho. Habang ang kambal nila ay naiiwan sa nanay ni Sam at iyon ang nakakasama sa bisperas. Hindi naman niya masisi ang trabaho dahil wala talaga itong pahinga lalo sa darating na Bagong Taon.

Bumuntong hininga si Sam. Nag-aalala siya sa asawa. Nagtatampo kasi ito sa kaniya dahil sa trabaho nanaman sila magcecelebrate ng Pasko. Kaya't hindi sila nag uusap ngayon. Gusto man kasi niya iwanan ang trabaho pero naiisip naman niya na baka mapabayaan ng mga iiwanan niya ang mga gawain dapat sa kaniya.

“Nagtatampo si Zander sa akin. Wala naman akong choice diba?” malungkot siya at tumingin kay Mia. “May choice kana man Ate eh. Kailangan mo nga lang mamili.” aniya at inabot dito ang isang kahon na balot ng christmas wrapper. Nagulat si Sam at ngumiti.

“Salamat Mia.” sabi niya at niyakap ang kaibigan. Napatitig siya sa maliit na kahon. Naalala niya ang mga anak. Hindi pa nito nakakasama ang ama sa Pasko. At bigla ay nakaisip siya ng ideya.

That's My Husband Next Door ✔Where stories live. Discover now