E p i l o g u e

6.6K 142 23
                                    



After 8 months and 2 weeks..

Malapit na ang due date ni Sam sa panganganak.. Sabi ng OB nya na si Myla. Magiging mahirap ang paglalabor nya kaya habang maaga palang, dapat naglalakad na sya at nag eexercise paunti unti.. Malaki na din ang tyan nya kumpara sa mga normal na nagbubuntis lalo at dalawang bata ang dinadala nya.

"Mahal, okay ka lang?" asked Zander sa asawa habang sabay silang kumakain ng agahan.

"Hindi masyado. Naiisip ko malapit na ako manganak. What if di ko kaya ang maglabor? Mauuwi kaya sa cesarean.?" nilapitan ni Zander ang asawa.

"Normal ang delivery mo Mahal.. Kaya wag ka masyado nag iisip. Alam mo naman makakasama sayo yan." tumango si Sam. Nagpatuloy sila sa pagkain. After nila mag agahan. Nag paalam lang si Zander kay Sam bago sya umalis.

"Mahal, pwede ba ako mamasyal man lang kahit dyan sa labas? Para di ako makapag isip.."

"Oo naman. Basta di ka lalayo." Ngumiti si Sam. Hinagkan lang nya ang asawa bago ito lumabas at sumakay ng kotse.


---


Nang tanghali na yun, nagdecide na si Sam na lumabas at mag ikot ikot sa village. Ilan weeks palang sila sa bagong bahay.. Kaya di pa sya pamilyar sa pasikot sikot ng bago nilang lugar. Mababait naman ang mga kapitbahay nila. Nung first day nila sa bahay, winelcome sila ng ibat ibang neighbors nila. Nagdala ng mga pagkain at welcome gifts. Kaya alam na ni Sam na magiging komportable sila sa pamumuhay sa bagong bahay.

"Huh?" nagulat si Sam ng makakita sya ng ice cream cart. Nilapitan nya yun para bumili.

"AHH!" nagulat sya ng bigla syang mabangga ng isa pang babae na buntis din. Pareho pa ata silang papunta sa nagtitimda ng icecream.

"Sorry." she said ng bahagyang nakabalik sa balanse nya. Akala nya babagsak sya.

"Sorry din ha." nagkatinginan sila ng babae. Buntis din ito at parang kabwanan na din. Hindi pa nya nakikita ang babaeng yun? Siguro dahil madalang itong lumabas.

"Bago ka rito?" Nagulat sya ng magtanong ito.

"Ah oo. Kabuwanan mo na?" tanong nya sa babae na naka blue dress. Malaki na din ang tyan nito kaya parang mapapaanak na din sya.

"Malapit na ako manganak. Mga next month pa." napangiti sya.

"Ice cream po?" nagulat silang dalawa ng alukin ng lalake na nagtutulak ng icecream cart. Natawa sila at sabay na silang bumili. After nun, nagkayayaan silang maupo muna sa isang bench sa malapit na play ground.

"Ako nga pala si Sam, ikaw?" pagpapakilala ni Sam.

"Aly nalang." sagot naman ng babae.

"Unang anak mo?"

"Oo. Babae yun akin. Ikaw? Malaki yan tyan mo kumpara sa akin?

"Oo eh. Kambal anak ko. Isang lalake at babae." nagulat si Aly sa narinig.

"Wow. May lahi kayong kambal?" Galak na tanong nya.

"Wala. Pero yun asawa ko meron. May lahi silang kambal." natawa si Aly.

"Kayo pala yun bagong lipat dito? Nabanggit ng asawa ko." said Aly habang kumakain ng icecream.

"Ah talaga? Balita talaga sa buong village. Ano pala name ng asawa mo?" biglang curious na tanong ni Sam.

"Si Atty. Vladimir John Gonzales." nagulat si Sam. Madalas nyang naririnig ang pangalan yun sa tv at balita. Sikat na abogado pala ang asawa ni Aly.

That's My Husband Next Door ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora