T w e n t y S i x

3.6K 89 1
                                    




Napatingin ako kay Lev na tumatawa.

"Sya yun? SUNGIT noon?" tumango sya. Napatingin akong muli sa litrato. Natawa ako. Sya pala yun bata noon na kasama namin sa unang camping. Hindi ko na maalala yun e.

"Keep it." nagulat ako sa sinabi ni Lev.

"Ha?

"Show it to Zander. Matutuwa yun and at the same time maiinis. Ikaw kasi yun unang babae na tumawag sa kanya ng ganun." natawa ako.

"Alam ko naman na noon palang masungit na talaga sya." natawa si Lev.

"Yeah. Di sya kumukupas.." tinago ko ang picture. At bumaba kami ng kwartong yun. Sunod namin pinasok ang kwarto ni Tito Andro para kumuha ng damit nya.

Naupo ako sa may kama habang naghahagilap ng damit at bag si Lev. Paikot ikot ang mga mata ko sa paligid.

"Laki ng kwarto na to." I said to myself.

"Huh?" Napalingon ako sa nakapa ko sa kama. Sa ingay nun parang nilamukot na papel. Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinawi ang kumot. Confirmed. Papel nga. Kinuha ko yun.

"Hamilton Enterprises offered a business partnership to Divine Heart Foundation." Nagulat ako sa nabasa ko. Hamilton? Wait..

"20 billion investment." napahawak ako sa labi ko. Kitang kita ko ang pangalan ni Leila sa dokumentong yun.

"Hindi kaya.." masama ang kutob ko sa nabasa ko. Wala dapat makaalam nito. Tinago ko ang papel sa bag na dala ko bago pa man makita ni Lev yun. Isa pa nakita ko sa papel na yun ang pangalan ng Mama nya. For sure magagalit sya kapag nabasa nya yun.

"Anong kaugnayan nila sa biglang paglugi ng Divine Heart?"

"SAM!" nawala ako sa pag iisip ko ng tawagin ako ni Lev. Dala na nya ang bag ni Tito Andro.

"Alis na tayo." Yaya nya sa akin at lumabas na kami ng kwarto.


---

Tahimik lang ako hanggang sa makabalik kami ng ospital. Nakita ko si Jasper na binabantayan si Tito Andro. Kumakain sya that time.

"Tito. Andito na po lahat." said Lev pagkababa ng bag sa upuan. Nagmano ako kay Tito.

"Pasensya na kayo naabala ko pa kayo."

"No need Tito." naupo ako sa isang bakanteng upuan. Ginugulo ang isipan ko ng mga nakita ko. Gusto kong alamin kung bakit at para saan ang papel na yun.. Napalingon ako kay Lev. Alam ko na noon palang magkakampi na yan si Leila at Tita Celes.. Balak ba nila kaming hatakin pababa. Pero hawak na ni Lev ang ACG, ano pang gusto ni Tita Celes..

"Are you okay?" nagulat ako ng lapitan ako ni Jasper. Hindi kasi ako umiimik.

"Oo naman."mabilis kong sagot.

"Si Zander nasa office nya. Gusto mo puntahan natin. Matutuwa yun pag nakita ka." napangiti ako.

"Sige." inaya ako ni Jasper pumunta sa office ni Zander. Naiwan ko si Lev na pansamantalang magbabantay muna kay Tito. Nagpaalam naman kami bago umalis.


---

Tahimik ako habang nasa elevator kami.

"Okay ka lang ba talaga?" tanong again ni Jasper. Obvious ata ako na malalim ang iniisip ko.

"Oo. Bakit?" natawa ako kunwari.

"Ayaw ni Zander na naapektuhan ka ng mga nangyayari sa Divine Heart. Masama daw yun para sa pagcoconceive mo." napahinga ako ng malalim. Kahit na pasan pasan na ng asawa ko ang mga problema iniisip pa din nya ako.

That's My Husband Next Door ✔Where stories live. Discover now