T w e n t y

3.8K 85 2
                                    


Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakita ko ang asawa ko and he suddenly hugged me.

"I missed you so much." narinig kong sinabi nya habang yakap nya ako. Napahawak ako sa bisig nya. Dalawang araw ko palang syang hindi nakikita.. Miss na miss ko na sya.. Sobra.

"Are you okay? What happened!" he asked at hinawakan nya ang pisngi ko.
I saw in his eyes na nag aalala talaga sya. Naguguilty tuloy ako sa ginawa ko. He has eyebags, hindi talaga sya nakakatulog. At pakiramdam ko gumaan sya. Hindi sya kumakain on time.

"Okay lang ako dito. Naglaba lang kami." tinignan nya ang mga kasamahan ko at syempre naningkit ang mga mata nya ng makita si Anthony.

"Wag ka mag alala mga pinsan ko lang yan tsaka bago namin kaibigan." hindi sya nag rereact alam ko naman di makikinig to.

Kararating lang pala nya galing Manila. At kanina pa nya ako hinahanap. Sabi ni Mama sa kanya na hintayin nalang ako. Di ko naman akalain na mapapasarap ang paglalaba namin sa batis at inabot kami ng hapon. Nagpaalam sa akin si Anthony bago sya umuwi kahit na panay titig sa kanya ng asawa ko.

"Alam ba nila Jasper na nandito ka?" I asked him habang sinasabayan syang kumain.

"Oo. Nagpaalam ako."

"Paano ang ospital?" Nag aalala ako na iniwan nanaman nya ang negosyo para sa akin. Sa akin na wala ng ginawa kundi pag alalahanim sya at pasamain ang loob.

"Jasper can manage. Mas inaalala kita. Umalis ka ng gabi ng party. Nag alala kaming lahat sayo." huminto sya sa pagkain.

"I'm sorry.. Nasaktan kasi ako sa mga sinabi ni Leila at lahat yun totoo.. Nagiging pabigat ako sayo." nagulat si Zander sa sinabi ko.

"Don't ever think that way.. Hindi kailanman ikaw naging pabigat sa akin. Pinahahalagahan kita di dahil lang asawa kita kundi mahal kita. Mahal naman, ngayon ka pa magdadoubt sa akin.." Ngumiti ako. Napakabuti nya talaga sa akin..

"Oo na. Yabang mo." sinubuan ko sya ng kanin sa bunganga. Kakainis talaga tong lalake na to.

Sinabayan ko syang kumain habang inaayos na ni Mama ang kwarto namin.

"ANAK NG!!" nagulat kami ni Zander sa sumigaw. Lagot si LOLO!!

"ANAK NG!! ANONG KARAPATAN NG LALAKENG YAN KUMAIN DITO!!" nagulat ako ng magsisigaw si Lolo. Napatayo si Zander.

"Lolo mo?" tumango ako.

"Tay, Maghulos dili ka nga. Asawa ni Sam yan." biglang awat ni Mama kay Lolo.

"NILOKO NYA ANG APO KO.!! PINAYAGAN NYANG UMUWI DITO SI SAM NG DI SYA KASAMA!!" galit na galit talaga si Lolo, inakala nya kasing niloko ako ni Zander kaya biglaan akong umuwi ng mag isa. Paano ko iba ieexplain sa asawa ko to..

Sinenyasan ako ni Mama na umalis na muna kami ni Zander habang inaawat nya si Lolo. Hinatak ko sang asawa ko palabas ng bahay. Baka itakin na talaga sya ni Lolo.

"Nakakatakot ang Lolo mo." he said at natawa ako. Nasa labas na kami ng bahay.

"Ganun daw talaga yun si Lolo. Kaya nako pag nakita ka ulit nun hahabulin ka daw ng bolo nun." halatang natakot si Zander. Naiisip nya kasi na hahabulin sya ng bolo. Bakit? Natawa ako.

"Papatayin nya ba ako?"

Napailing ako.

"Hindi. Ganun lang talaga yun. Mahigpit daw kasi yun sa mga nanliligaw at napapangasawa ng mga anak nya at apo nya."

"Hopefully hindi nya ako masyado pahirapan." natawa ako. Nang maramdaman namin wala na si Lolo. Nagdecide na kaming mamahinga.

---

That's My Husband Next Door ✔Where stories live. Discover now