T h i r t y O n e

4.6K 95 10
                                    



After a month of recovering. Pinayagan na ako ni Zander na bisitahin namin si Leila sa rehabilitation center kung saan sya dinala. Kabado ang pakiramdam ko.

"Relax Mahal.. Ayoko mastress ka. Bilin ng OB mo na ingatan ko ang health mo. Ayoko mapahiya dun. Pareho pa naman tayo na involve sa medical matters." natawa ako sa sinabi ni Zander. Nagdadrive na sya at ako katabi nya. Bago kasi kami umalis, dumaan muna kami sa OB ko for my regular check up. Okay naman daw at physically fit. Kaya lang mas magiging sensitive pa ako sa mga susunod na weeks at sa development ni Baby. Binalaan si Zander na alagaan ako lalo at doctor din sya kaya alam nya ang dapat at di dapat para sa akin. Natatawa tuloy ako dahil talagang sinasaisip nya yun.

"Salamat Mahal dahil pumayag ka sa request ko." I said habang nakatingin ako sa mga bulaklak na dala namin para kay Leila. Sabi ni Zander mahilig si Leila sa mga White Anemone kaya sinadya namin bumili.

"I told you na kung anong magpapagaan sa pakiramdam mo. Gagawin ko." ngumiti ako. Kinuha ko ang kanang kamay nya at dinampi ko sa pisngi ko.

"Salamat." ngumiti sya. Matagal din syang magdrive at halos inabot kami ng 2 hours sa kalsada. Si Detective Han ang nagturo sa amin ng directions papunta dun.

Nagpark ang kotse ni Zander. Napadungaw ako sa bintana ng kotse.

"Savior Rehabilitation Center." nabasa ko sa may labas. Inalalayan ako ni Zander makababa ng sasakyan. Sya na ang nagbibit ng bulaklak. Sabay kaming pumasok sa loob.

"Goodmorning po. Sino po ang kailangan nila Mam? Sir?" asked ng isang lalake ng makapasok kami. Nakawhite syang uniform, tingin ko nurse sya sa loob.

"Leila Hamilton Castillanes." nagulat ang lalake sa sinabi ni Zander.

"Sige po. Dito po Mam, Sir."

Sumunod kami sa lalake. Nakarating kami sa garden. Sabi nya madalas daw na namamasyal si Leila sa garden. Hindi sya nakikipag usap . Gusto lang nyang mapag isa. At binabanggit ang pangalan namin ni Zander. Nalungkot ako ng makita sya. Hindi na sya yun babae na maayos at kahit maarte sya sa pananamit alam ko na yun ang gusto nya.

Pero ngayon, ibang Leila na ang kaharap ko. Wala syang emosyon.

"Maiwan ko na po kayo." Paalam ng lalake.

Nagkatinginan kami ni Zander. Hindi namin alam kung paano magsasalita kay Leila.

"Leila.." nauna akong magsalita. Bahagya akong lumapit sa kanya na tahimik at nakaupo. Inalalayan ako ni Zander.

"Leila?"

Lumingon sya sa akin. Nagulat ako ng makita syang umiiyak.

"Bakit ka umiiyak?"

"Nasaktan ko si Zander." nagulat ako sa sinabi nya. Nagkatinginan kami ni Zander. Pinunasan ko ang luha ni Leila.

"I know. And I know you feel sorry for what happened." hinawakan ko ang kamay nya. Nagsimula nanaman syang maiyak.

"I'm sorry kay Sam. Please sabihin nyo sa kanya." nagulat ako.

"I almost killed her and her child. Napakasama kong tao." naluha ako sa narinig ko. Kitang kita ko sa mukha nya ang pagsisisi.

"Alam ko napatawad ka na ni Sam. Kaya magpagaling ka."

"Tingin mo ba gagaling pa ako?" she asked.

That's My Husband Next Door ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon