T h i r t e e n

4.2K 95 3
                                    








Nakatulog si Zander matapos ko syang pagpalitin ng damit. Nasa kabilang upuan ako habang nanonood ng tv. Nakapahinga sya. Pinanonood ko lang sya habang namamahinga sya. Ako na din ang naglinis ng sugat ko dahil kaya ko na lumakad.


"Sam.." nagulat ako ng magsalita sya. Lumapit agad ako. Nagtaka ako dahil tulog sya, di kaya nananaginip to? Hinawakan nya ako sa braso ko.


"Zander!" ginigising ko sya.

"Huh?" nagising sya sa pagtapik ko sa pisngi nya. Bumangon sya at niyakap agad ako.


"Okay ka lang?" I asked. Tumango sya. Napahawak sya sa noo nya halatang masakit pa ang ulo nya.

"Magpahinga kana muna." Utos ko at sumunod sya. Bumalik sya sa pag higa. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya naninibago ako.


Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Nakita ko ang phone sa mesa kaya kinuha ko yun at naisip kong tawagan si Jasper. Kung mas may nakakaalam ng pag uugali ni Zander, ang kaibigan nya yun. Agad sumagot si Jasper.








---




Wala pang isang oras nasa unit na si Jasper. May dala syang ice cream kaya naman natuwa ako. Ilan araw na kasi akong nagcecrave sa ice cream. Nahihiya ako magsabi sa asawa ko dahil di ko naman makausap ng maayos.


"Shhh.." I said to Jasper pagkapasok nya. Balak nanaman nyang magsisigaw baka magising si Zander. Hinatak ko sya sa kusina. Nilagay ko muna sa ref ang icecream na dala nya.

"Nag aalala ako sa asawa ko." I said to Jasper.

"Wag kana magtaka. Alam mo sabi ni  Ninong sa akin, ganyan na ganyan nangyari sa kanya nung namatay ang Mama nya. Hindi makausap. Hindi kumakain. Lahat." nalungkot ako sa sinabi ni Jasper.


"Okay naman ako e." sagot ko. Natawa si Jasper.


"Ang kinasasakit ng kalooban nya eh dahil wala sya sa tabi mo nung kailangan mo sya. Kaya sya nagkakaganyan. Don't you worry. Magiging okay din sya." napahinga ako ng malalim. Hindi ko alam kung paano pero susubukan ko maging okay ang asawa ko.


"Nga pala, balita ko hindi kana magtatrabaho?" napahawak ako sa pisngi ko.

"Ayoko na maging againts kay Zander. Mag aaway lang kami kapag nagreklamo nanaman ako. Tsaka hahayaan ko na sya kesa naman ganyan sya tuliro. Kapag may nangyari sa akin." napangiti si Jasper.


"Mas panatag din ako kung papayag ka sa desisyon nya. Tsaka hindi ka naman mabubulok dito. Makakapagtrabaho ka pa din." nagtaka ako.


"Paano?


"Ahhhh-- ano?." napakamo si Jasper sa batok nya." Ah-- si Zander na kausapin mo. Hindi ko din alam eh." nagtaka ako kay Jasper. Bigla tuloy akong naconfused.



Sandali lang nagstay sa unit si Jasper at umuwi na sya. Hindi na sya nakapagpaalam kay Zander dahil tulog na tulog pa ito.


Pagkahatid ko kay Jasper sa may elevator. Pagbalik ko ng unit, gising na si Zander. Nakita ko sya sa kusina na nakaupo at parang wala sa sarili. Halata sa mukha nya dahil nakatulala lang sya. At bumalik lang sya sa ulirat ng makita ako.


"Nagpunta si Jasper, pero hinatid ko na sa elevator." I said ng lapitan sya para halikan sa pisngi. Nagpunta ako ng kusina para ipagtimpla sya ng kape.


"Coffee." he said. Natawa ako. Mabilis ko syang tinimplahan ng kape. Tahimik lang syang iniinom yun.

"Papasok ka na ba bukas?" I asked him. Dahan dahan syang tumango.

That's My Husband Next Door ✔Where stories live. Discover now