E i g h t

4.2K 94 0
                                    





Inabot kami ng gabi sa pamamasyal at pamimili. As usual kapag kasama ko ang mga pinsan ni Zander hindi ko namamalayan ang oras at pagod. Napakarami nilang pinamili sa akin, hindi naman ako makatanggi at hindi naman daw sila nakapunta sa kasal ko kaya wedding gifts nalang nila yun pero  sumobra ata.

Nakauwi kami sa hotel before 8PM.
Panigurado nakasalubong na ang kilay ni Zander.

"Anong oras na!!" napapikit ako ng sumigaw si Zander pagbukas namin ng pinto. Totoo nga! Salubong na ang kilay nya.

"Easy bro.. Sam is safe." said Levi saka tinapik sa balikat ang pinsan. Binaba nya ang dala nyang bags at dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape.

Nakatingin sa akin si Zander at hindi naman ako makatingin ng diretso. Hinawakan nya ang kamay ko. Saka hinatak ako sa couch. Uupo sana ako pero hinawakan nya ang bewang ko saka ako pinaupo sa kandungan nya. Nabitawan ko ang dala ko. Naramdaman ko ang pagyakap nya sa akin.

"I missed you.." bulong nya habang hinihimas nya ang mga balikat ko.

"Zander.. Wag mo na ako alalahanin bukas. Asikasuhin mo ang dapat mo ayusin about sa business nyo." tinignan nya ako sa mga mata ko.

"Paano kung lait laitin ka nila.. Wala ako sa tabi mo para ipagtanggol ka." he said worried.

"Kaya ko ipagtanggol ang sarili ko.. Para sayo.." I smiled. Hinalikan nya ang balikat ko.

"I know you're brave.. Thats why I loved you so much.." hinawakan ko ang pisngi nya at humalik ako dun.

"Hindi na ako makapaghintay na makita ka bukas ng gabi.." he said. Natawa ako.

"Oo. Dahil for sure maglalaway ka." tinawanan nya ako. Kinurot ko sya sa pisngi.



---


Umaga palang ng Friday. Nagkakagulo na sa Resort. Why? Maaga palang naririnig ko na ang mga Alejo na nag uusap at nagkakagulo sa may sala namin. Hindi na ako nakatulog at napilitan nalang bumangon. Wala na din sa tabi ko si Zander at ramdam ko na isa sya dun sa mga maiingay sa labas ng kwarto namin. Nagsuot lang ako ng flippers na sa ibaba ng kama. Naka puting tshirt ako na damit pa ni Zander.

Binuksan ko ang pinto..

"HALA!!" Nagulat ako ng makita ang mga mukhang hindi pamilyar. Wala si Zander, si Rodolfo, Althea, Theo at Lev. Nasaan sila!

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakakahiya..

"You okay lady?" tanong ng isang lalakeng nakakalula ang tangkad at kalbo. Nakasunglasses sya at nakashorts at tshirt.

Hindi ako makasagot dahil hindi ko sila kilala. Nasaan na ba yun mga hinayupak na Alejo na yun!

"Don't scare her. She's the wife of Zander.." nang marinig kong sinabi ng isang lalake na halos na 50's na ang edad. Lalo silang nagsilapitan sa akin na parang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Nangilabot ako.

Napaatras ako. Pero may isang babae pala sa likuran ko.

"My god. She's really the wife of Bunso!! Look at it she wears Zander's shirt!! How sweet!!" nagulat ako ng halos tumili ang babaeng nasa likod ko at bigla nya akong niyakap. Halos mahilo ako sa mga taong nakikita ko. Inaatake nanaman ata ako ng phobia ko. My god..

"STOP THAT ALICE!!" nagulat ako sa sigaw sa may pintuan. Bumitaw agad sa akin ang babae ng makita nya si Zander na papalapit sa amin.

"Why are you all here!! Ang daming kwarto sa buong hotel? Dito pa kayo nagsiksikan!!" sigaw ni Zander sa mga kamag anak nya. May lumapit na matanda kay Zander.

That's My Husband Next Door ✔Where stories live. Discover now