F o u r t e e n

3.7K 83 4
                                    








Inihatid kami ni Bon sa Divine Heart.
Pagkaparada ng kotse namin, inalalayan nya kaming makababa. Sabay kami ni Adel na naglakad papasok sa loob.


"Alam mo ba, na humahanga ako sa galing ni Zander because he solely manage his own company. Kahit na nabalitaan ko na he left his position in ACG." nagulat ako. Kahit ako din naman nagulat sa desisyon ng asawa ko.


"Oo nga e. Mas pinili naman nya kasi ang pamilya."


"Better choice.." Ngumiti sya .


Inilibot ko sya sa 1st floor. Palingon lingon ako sa paligid para hanapin si Jasper pero hindi ko sya mahanap. Malabo naman na hindi sya pumasok dahil hindi naman wednesday.

Sinubukan ko syang itext ng palihim habang naglilibot mag isa si Adel sa may ER.

Nasaan ka?

Hinihintay ko ang reply nya pero wala. Nagyaya na din si Adel na umakyat kami sa second floor.


"Any plans for today?" she asked ng makita na nakatingin ako sa phone ko. Napailing ako.


"Baka lang nagtext si Zander." tumango sya. Sumakay kami ng elevator paakyat ng second floor at saka lang namin nasalubong si Jirou.


"Jirou.. Si Adeline,isa sa mga future investors natin." pagpapakilala ko ng masalubong namin sya.


"Hi.. I'm Jirou and welcome here in Divine Heart.."  nagshake hands silang dalawa.  Then nagpaalam na si Jirou dahil may pasyente sya sa first floor. Wala pa din respond si Jasper sa text ko sa kanya at nakalimutan ko naman itanong kay Jirou kung nasaan si Jasper.


Nagtuloy tuloy kami sa paglilibot. Nakarating kami sa nurse's office, er sa second floor, ob, pedia, at operating rooms. May isang operating room ang di namin napasok dahil may inooperahan, nalaman ko kay Angie na nurse na kasama ni Sandra na si Jasper ang nag oopera ngayon. Kaya naisipan ko na tagalan pa ang pamamasyal namin ni Adel.



Dinala ko din sya sa bakanteng lote sa likuran kung saan itatayo ang extensions ng ospital. Mas lalo tuloy syang namangha at nasiyahan na makita kung saan mapupunta ang investment na ibibigay nya. After nun, inaya ko sya na magkape muna kami sa may canteen. Nasalubong ko si Dr. Amy na hinahanap din pala kami.



"Ah, mamayang lunch?"

"Oo. Inaaya kayo ni Zander eh. Sabi nya hanapin ko kayo." napatingin ako sa oras.

"Sige pupunta kami ng 12noon." Hindi ko alam ang binabalak ni Zander at inaya nya kami na kumain sa office nya. Sana lang kasama nya si Jasper.


Dumating ang kape na inorder namin.
Naupo muna kami.


"You know what, I've dreamt of having my own hospital too." she said habang nagsasalo kami sa mga coffee namin.

"Bakit hindi mo tinuloy?" curious kong tanong.

"I was once a monster." nagulat ako sa sinabi nya.

"Ha?" natawa sya sa reaction ko.

"Look." may nilabas syang picture na galing sa wallet nya. At pinakita sa akin. Nagulat ako ng makita yun. Covered ng malaking balat ang kalahati ng mukha nya. At halos hindi ko talaa sya makilala sa itsura nya.


That's My Husband Next Door ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora