T w e n t y N i n e

3.9K 83 2
                                    





Tanghali na ako nagising kinabukasan. Nakaamoy ako ng nilulutong bacon kaya napatayo ako higaan. Wala si Zander sa tabi ko. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko ang asawa ko sa ibaba. Nagluluto sya. Napangiti ako.

"Goodmorning Mahal.." Bati ko pagbaba ko. Niyakap ko sya habang nagluluto sya.

"Nagising ba kita?" Umiling ako habang yakap yakap ko sya.

"Anong meron at pinagluto mo ako?" malambing kong tanong sa kanya.

"Nothing. I just want to serve my love.." Ngumiti ako. Inaya nya akong kumain. Sya nagtimpla ng kape ko at inayos ang hapag kainan. Wala ako ibang ginawa kundi maupo lang. Nakikita ko sya na ineenjoy talaga nya ang ginagawa.

"Kain na." he said at nagpray kami sandali.

"Thank you Lord for this new day you've given to us." at nagsimula na kaming kumain.

"RIIIINNNGGGG!!!

Nagulat kami pareho ng tumunog ang phone ni Zander. Nagkatinginan pa kami. Hindi kasi namin alam kung dapat ba nyang sagutin yun.

"Sagutin mo na kaya." I said at sumunod sya. Bahagya syang lumayo muna sa hapagkainan para sagutin ang tawag. Nakatingin lang ako sa kanya.

"WHAT!" nagulat ako ng sumigaw sya. Bakit? Anong meron?

"Mahal. I need to go." paalam nya. Nagulat ako.

"Bakit? May nangyari ba?" alalang tanong ko.

"A detective called me, and said na may nagtip daw sa kanila ng informations and evidences na may nagsabotage ng Divine Heart. " isa lang ang naiisip ko that time. Pinayagan ko na syang umalis. Alam ko na si Theo ang may gawa nun.

Mabilis na umalis si Zander at humalik lang sa akin bago umalis. Nangako syang babalik agad once maayos ang problema sa Divine. Alam ko naman na maayos na yun. Dahil huling huli na sa akto si Leila at Tita Celes. Wala na silang kawala sa batas.

Nagdecide ako magbukas ng tv.

"Were here in Hamilton Enterprises.. At kitang kita natin kung paano inaaresto ang CEO na si Ms. Leila Hamilton Castillanes.." napabuga ako sa iniinum ko ng marinig yun. May isang reporter ang nakikipagsiksikan sa mga pulis para makakuha ng statement ni Leila.

Kitang kita ko kung paano sunduin ng pulis si Leila.

"I NEED MY LAWYER!!" sigaw ni Leila. Natawa ako. Yan naman talaga ang bagay sa kanya.

Nakita ko syang pinasok sa isang police mobile. At nagkakagulo sa may Hamilton Enterprises. Nakahinga ako ng maluwag ng mapanood yun. Back to normal na kami ulit ng asawa ko. Sa wakas.. After ko magligpit, maliligo ako at pupuntahan ko sya sa Divine Heart.



--

"Is this true?" asked Zander sa mga nakitang folder na dala ni Detective Han at Theo.

"Ayon sa mga nakasaad dyan. Binayaran at binigyan ng threat ang mga investors mo para magpull out sila sa Divine. Naka pirma sila dyan at si Ms. Leila." napahawak si Zander sa noo nya.

"I didn't know na kayang gawin ni Leila ito. Just for what?"

"Just for you. Para makuha ka nya Kuya." said Theo. Nagulat si Zander.

"Meron pa isa Mr. Alejo." Inabot nito ang isang envelope kay Zander at binuksan.

"Tita Celes.." nasambit nya habang tinitignan ang mga files at pictures sa loob.

That's My Husband Next Door ✔Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz