T h i r t y

4.1K 92 6
                                    






Nakalabas ako ng clinic after ako ibriefing ni Doc sa pagbubuntis ko. Sabi nya pag 5 months na ako saka malalaman kung anong gender ni Baby. Naeexcite na ako sabihin to kay Zander baka magtatalon sa tuwa yun. Isa pang bilin ni Doctora, na dapat mag ingat ako sa pagbubuntis ko. Bawal mapagod, mastress at magbuhat masyado. Iingatan ko talaga si Baby.. Hinawakan ko ang tyan ko.

"Aalagaan ka ni Mama.." I said to myself. Nakita ko ang kotse ko na nakaparada. Mabuti nalang hinatid yun ng manager ng bakery. Sumakay agad ako at nagdrive na pauwi.

[Zander's Calling]

Hindi ko napansin na tumatawag pala si Zander.

---

"Sumagot na ba?" asked Jasper sa kaibigan.

"Hindi pa din. Nag aalala na ako sa kanya. Baka kung anong gawin sa kanya ni Leila." Natatakot si Zander. Hindi nya alam ang gagawin. At saan magsisimula maghanap.

"Trust me. Magiging okay din si Sam. Wag mong itigil ang pagkontak sa kanya." tumango si Zander. Dinial nyang muli ang number ni Sam.




---

Safe akong nakarating sa condo. Nagpark ako ng kotse. Hindi ko muna binaba ang mga grocery bags, iuutos ko nalang kay Zander. Kinuha ko lang ang sling bag na dala ko.

"Pauwi na tayo kay Daddy mo." I said sa tyan ko habang masaya akong naglalakad.

"How are you Sam?" nagulat ako sa nagsalita. Madilim sa parte ng parking lot kung saan nanggagaling ang tinig.

"Leila?" nagulat ako ng makita sya. Kinabahan ako.

"Akala mo nakulong na ako? You're wrong. I'm still free and I can do whatever I want." Hindi to ang oras para sagutin ko sya at manlaban.

"Leila.. Alam ko na ang gusto mo lang ay si Zander.."

"Alam mo naman pala! BAKIT INAGAW MO PA SYA SA AKIN!!" nagulat ako ng magtaas na sya ng boses. Napaatras ako. Gusto ko tumakbo, magsisigaw.

"Wala akong inagaw sayo. Alam mo yan. Zander chose me."

"YUN AY DAHIL NILANDI MO SYA!!" sumigaw nanaman sya. Halata sa itsura nya ang galit. Ang galit na dapat kong iwasan. Maari syang makagawa ng bagay na pagsisisihan ko.

"Ano bang ginagawa mo dito!"

"Paying back." Nagulat ako sa sinabi nya.

Bigla syang lumapit at aakmang sampalin ako. Napaatras ako at hinarang ko ang braso ko.

"WALANG HIYA KA!!" hinablot nya ang buhok ko.

"Leila.. Tama na!!" Hindi ako makapanlaban. Iisa lang ang naiisip ko. Protektahan ang dinadala ko.

"DAPAT SAYO YAN!!" hinatak nya ang buhok ko at kinaladkad ako. Napapasigaw ako sa sakit ng paghablot nya sa buhok ko at pagsampal nya ng paulit ulit sa akin.

"Hindi ako manlalaban. Please tumigil kana!!" naiiyak na ako sa sakit na nararamdaman ko.

"DAPAT LANG! BECAUSE THIS IS WHAT YOU DESERVE!!" hinatak nya ang buhok ko at sandaling binitawan. Nagkaroon ako ng pagkakataon makatakbo.

That's My Husband Next Door ✔Where stories live. Discover now