S i x

4.6K 97 3
                                    




This chapter contains matured contents.





---




Bumaba ako ng hagdan. May mga nakakasalubong akong French, at sige ang bati sa akin ng Bonjour. Dala ko yun handbook na bigay ni Jasper at saka ko lang nalaman na , Hello or Goodmorning ang ibig sabihin nun. Napakamot ako sa ulo ko.


Sinundan ko ang mga lalakeng nagdadala ng pagkain. Mabilis silang magkikilos at parang nagmamadali. Sumunod ako sa kanila para malaman ko kung saan ang dining area ng resort.


Pagliko ng waiter. Nakita ko ang isang malaking veranda na nakaharap sa may  beach. Madaming kumakain. Medyo maingay din at hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nila. Inikot ko ang paningin ko para hanapin ang asawa ko.

"Got it!" nasambit ko ng makita ko sya sa gitna at nakaupo. May kausap syang dalawang babae. Napasingkit ang nga mata ko dahil kitang kita ko kung paano pagsamantalahan ng babae ang asawa ko gamit ang mga mata nya. Gusto ko silang lapitan pero ayoko makagulo. Kilala ko si Zander, baka mamaya sa akin nanaman nya ibigay yun desisyon. Magmukha nanaman akong walang alam. Sira ulo talaga yun.

Nagdecide akong maupo sa may bar. Umorder ako ng isang smoothie.

"Merci." sagot ko sa bartender habang ginagawa nya ang order ko. Palingon lingon ako sa paligid. Naghahanap ng familiar na mukha kahit sobrang imposible. Naalala ko na dala ko ang phone ko. Naisipan kong ilabas yun at magselfie.

"Selpi muna." I said sa sarili ko. Inextend ko ang kamay ko para makuha ko ang view ng veranda at ng beach.

"Want a hand?" nagulat ako sa nagsalita. Nasa likuran ko ang isang lalake. Naka summer outfit sya. Plain shorts, sandals at bukas ang polo nya. He's wearing sunglasses at blonde ang buhok nya. Kinuha nya ang phone ko.

"Ahhh--" Hindi ako makapagsalita.

"Hey.. Relax.. I just wanna help.." tumango ako. Pumayag ako na tulungan nya akong kuhanan ng litrato ang view. Then kinuhanan nya ako ng pictures sa may veranda at sa harap ng bar. After nun, binalik nya ang phone ko.

"Salamat-- este Merci." mabilis kong sagot. Napahawak ako sa labi ko. Naalala ko na nasa France ako. Bahagya syang natawa.

"Its fine. I'm used to it." naupo sya sa tabi ko at umorder din.

"I'll pay for that.." nagulat ako sa sinabi nya. Nakatingin sya sa smoothie na iniinum ko.

"You don't have to." sagot ko pero he insist.

"Its a welcome gift from Cannes Great Beach Resortù." nagulat ako. Nagpasalamat nalang ako. Bumalik ang tingin ko kay Zander na may kausap pa din.

"Do you know that man?" nagulat ako at nakatingin din sya sa tinitignan ko.

"Yeah, he's my husband." sagot ko. He chuckled.

"Well, your a wife of an Alejo." napalingon ako sa kanya. Tahimik lang syang iniinum ang alak sa basong hawak nya.

"You know my husband?" he nodded.

"Actually, he's the new CEO of Alejo Group of Companies. And were gonna organize the Alejo's Reunion here in our resort." nagulat ako sa sinabi nya.

"I forgot to introduce myself.. I am Pierre Le Vion. Owner of Cannes Great Beach de Resortù." he offers a handshake. Halos matulala ako sa narinig ko. He smiled.

"Hey.. Move. I won't bite." pagbibiro nya. Pinilit kong tumawa.

"Do you know the women he's talking to?"

That's My Husband Next Door ✔Where stories live. Discover now