E n d i n g C h a p t e r T h i r t y T w o

4.6K 106 10
                                    






Isang linggo na ang lumipas at dalawang araw nalang bago ang anniversary namin ni Zander at mamayang gabi na yun party sa AGC. Mabuti nalang binilhan ako ni Alexa ng dress na kakasya sa akin. Sa laki ng mga braso ko ngayon at ng balakang ko, malabo na magkasya yun mga dress ko.

9PM magsstart ang party sa Resortsworld. Dun kasi inorganize ang party. Madami kasing dadating na investors, business partners at mga clients ng AGC. Then mga clients at board members ng Divine Heart. Isang buong celebration para sa tagumpay ng dalawang kumpanya.

"Ayos lang ba Ate?" asked Alexa ng matapos nyang isara ang zipper ng dress ko. Humarap ako sa salamin.

"Oo naman. Maganda na ako." natawa kami ni Alexa.

"Ito na shoes mo." said Ivan. Natawa ako. Magkakasama kami sa unit nina Alexa ,Ivan, at Jasper. Si Zander nauna na umalis dahil sasabayan nya si Tito Andro.

"Ate may idea kana ba kung anong gender ni Baby?" nagulat ako sa tanong ni Alexa. Hinawakan ko ang tyan ko.

"Hindi ko pa natatanong kay Zander yan. Sabi naman nya kahit anong gender ng baby namin ngayon. Okay lang sa kanya."

"Talaga si Kuya." nagtaka ako.

"Bakit?

"Sabi ni Kuya once nagkaanak kayo tatanggapin nya kung ano gender ng magiging anak nyo. Basta masaya ka." ngumiti ako. Napatingin ako sa wedding ring namin.

"Alam ko yun. Magiging mabuting ama sya ng anak namin." ngumiti ako. After namin mag bihis. Pinagdrive kami ni Jasper papunta sa venue. Nandun na daw sina Zander, Jirou at iba pang kasamahan namin sa ospital.

"Welcome Mrs. Alejo." nagulat ako ng salubungin ako ng isang babae sa entrance ng event. Ang sarap sa feeling na tawagin akong Mrs. Alejo. Ganun ba ako kaganda..

Nakaalalay sa akin si Ivan at si Alexa habang papasok kami sa loob. Halatang halata sa dress ko ang malaki kong tyan.

"Hanapin ko lang si Zander." paalam sa amin ni Jasper. Nagrequest ako sa dalawa na wag ako iwan. Enochlophobic kasi ako kaya nakakaramdam ako ng hilo pag madaming tao. Mas madaming tao ngayon kesa nung birthday ni Tito Andro.

"Hi.." Nagulat ako sa nakita. Si Tita Roxanne kapatid ni Tito Andro. Niyakap nya ako.

"Blessing para kay future heir or heiress of AGC." She said at hinawakan ang tyan ko. Natawa ako.

"Kailan pa kayo nakauwi?" asked Alexa.

"Yesterday lang. Sabi ni Andro may future apo na daw sya sa panganay nya. Na excite ako kaya ayun umuwi ako." natawa kami ni Ivan.

"I hope its a girl." she said.

"Sana nga po." natawa ako. Dinig ko na umuwi din ang ibang Alejo from Spain at France. Inaasahan ko na nandito din si Thea.

"Ate!" nagpaalam si Tita Roxanne ng dumating naman si Theo. Hinalikan nya ako sa pisngi. Nakita ko na hatak hatak nya si Thea.

Niyakap agad ako ni Thea.

"I missed you Ate." she said at natawa ako.

"Mabuti at nakauwi ka." tumango sya.

"Nagpareserved na ako ng ticket ko kay Theo. Totoo ba Ate? Tinulungan ka ni Theo para mapabagsak si Ate Leila. Nagyayabang kasi e." natawa ako. Napatingin ako kay Theo.

"Oo. Sya ang utak namin e."

"Sabi ko sayo e. Kulit mo." nagdecide sila na maupo sa table namin. Maya maya nakita ko na si Zander.

That's My Husband Next Door ✔Where stories live. Discover now