T w e n t y S e v e n

3.7K 85 6
                                    






Pagkatapos ng kinabukasan. Nagkita kami ni Theo tulad ng usapan namin. Sabay kaming pupunta ng Divine Heart.

"Ate!" sigaw sa akin ni Theo ng makita ako sa coffeeshop. Pumasok sya at naupo kami. Nakabukas na ang laptop nya.

"Watch this Ate." nagulat ako at binuksan nya ang isang file. Nag play ito.

Napahawak ako sa labi ko. I saw Leila sa video, nagpunta pala sya ng AGC at kinausap si Tito Andro?

"This was the time after the meeting ilan minuto palang.." tinuro ni Theo ang date at oras na nakaindicate sa video. Nakita ko dun na may hawak na folder si Leila at hinagis sa table. Binasa ni Tito Andro at halata itong nagalit.

Why are you doing this LEILA!" Narinig kong sigaw ni Tito Andro sa video.

I want ZANDER! At kapag hindi mo sya nagawang paluhurin sa akin. Kukunin ko ang lahat ng meron sya hanggang sa gumapang sya pabalik sa akin. I'll make him suffer until he begs for me.." nagulat ako sa sinabi ni Leila sa video.

Dapat hindi kita pinagkatiwalaan.. You and Celes..!!" continued ni Tito Andro. Hawak nya ang folder.

That's your bigger regret.." said Leila at tumalikod at dun na inatake si Tito Andro na basta nalang nya iniwan. Halos maluha ako sa awa kay Tito Andro habang pinapanood na nahihirapan syang huminga hanggang sa bumagsak sya at nawalan ng malay.

"Kailangan nila makulong!!" sigaw ko kay Theo.

"I know Ate. Pero dapat makumpleto natin lahat bago tayo magsampa ng kaso. At least wala na silang butas na malulusutan." tama si Theo..

"Inayos ko na lahat ng proof na nakuha natin. Kulang nalang is proof sa sabwatan nila. And complete!" napatango ako kay Theo. Nagyaya na ako na pumunta na kami sa Divine. Dapat hindi kami makita nina Jasper o ni Jirou o ni Zander.




---


Sa fire exit kami dumaan ni Theo. May blueprint si Theo ng buong ospital. Nagulat ako ng ilabas nya yun.

"Saan mo nakuha yan?"

"Sa files ni Kuya Zander sa AGC . Nahack ko kaya nakuha ko." natawa sya.

"Ikaw talaga. Mamaya mapansin nya." umiling sya.

"Its safe."

Pinag aralan namin ang blueprint ng ospital.

"Dito ang office ni Zander." tinuro ko ang kwarto sa may 5th floor.

"Dyan kaya tinatago lahat ni Kuya yun mga important files nya about investors." tumango ako.

"Oo..

"So dyan tayo kailangan makapunta." Nagulat ako. Paano yun? Bantay sarado ni Zander yun office na yun. At lagi syang nandun.

"Paano natin gagawin!"

Nag isip si Theo.

"Libangin mo si Kuya." Nagtaka ako.

"Lilibangin ko?"

"Oo. Para makahanap ako ng chance makapasok sa office nya at mabuksan ang laptop nya." napahawak ako sa batok ko. Ang hirap nun. Lilibangin ko si Zander sa ganitong sitwasyon.

"Kaya mo yan Te Sam. For Kuya and for Divine Heart." Tumango ako. I dont have a choice. After nito pasasalamatan ako ni Zander. Nagkasundo kami ni Theo na maghiwalay para magawa namin ang plano. Paakyat na ako sa office ni Zander at nag iisip kung anong klaseng alibay ang gagawin ko.

"Mag isip ka. Yun malilibang sya.. Yun mawawala atensyon nya sa ibang bagay." I said to myself habang naglalakad papuntang office.

"SAM!" nagulat ako ng tawagin ako ni Dr. Jason. Nilapitan nya ako.

That's My Husband Next Door ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang