F i f t h t e e n

3.9K 78 5
                                    





Naupo si Jasper habang pinaghahanda sya ni Adel ng coffee. Hindi sya mapakali habang nakikita si Adel na kumikilos.

"Want me to help you?" asked Jasper.

"No. I can do it." she smiled. Nagulat si Jasper. Napahawak sya sa batok nya. Nilapag ni Adel ang dalawang tasa sa table at naupo sya.

"So? Uhh.." natahimik silang dalawa. Hindi nila alam kung saan sila magsisimula.

"I'm sorry for what happened yesterday. Nabigla ako." nauna ng nagsalita si Jasper.

"Okay lang. Alam ko naman na galit ka pa."

"I wasn't mad." nagulat si Adel. Napabaling sya ng tingin sa lalakeng kaharap nya.

"Nalungkot ako when I saw you. I got scared na baka itanggi mo ako ulit. " napahawak si Adel sa labi nya. He saw Jasper's eyes. He's still sad about what happened in the past. At kahit sya ginugulo pa din ng kalooban nya sa naudlot na pagmamahal sa kanya ng kaisa isang lalakeng na tumanggap sa kanya ano man ang itsura nya. Nagkulang lang sya sa tiwala sa sarili nya. And he thought before Jasper was like all men but she was wrong.

"I'm sorry din. Akala ko kasi hindi mo ako papansin nun noong accidentally na magkita tayo. Kaya naisip ko na unahan na kita. Pero nagkamali ako." nagulat si Jasper.

"Adeline."

"Hindi ko maamin sa sarili ko noon palang na gusto na rin kita. Mas naisip ko lang kasi yun pwede pa mangyari sa atin. Pwede pa mangyari sayo. You have all the options para hindi ako piliin but you still chose me. I got scared ng umamin ka sa akin. At akala ko pag nireject kita magiging masaya ka hindi ko akalain na ginawa ko pa palang miserable ang buhay mo."

"Hey.. Stop blaiming yourself. Hindi mo yun sinasadya. Were all kids before. Malay ba natin na makakasakit tayo ng ibang tao sa desisyon na ang hangad lang natin maging malaya at masaya." bahagya syang lumapit kay Adel. He tried to comfort his former friend.

"You know what.. Kung hindi mo ginawa yun. I may not be in this position. Nagpursigi ako para the next time we met ikaw naman ang iisnabin ko." suddenly Adeline smiled. Napatingin sya kay Jasper.

"I'm really sorry." said Adel again.

"You're forgiven." said Jasper at hinawakan nya ang kamay ni Adel.

"Let's start over again." Adel smiled. She simply nodded.





---

Sam's POV


Nasa office ako ni Zander the whole morning. May dala akong baked cookies pang peace offering kay Jasper. Alam ko nagkamali talaga ako. Kaya handa akong magsorry sa kanya.

Pabalik balik ang tingin ko sa phone ko na nakapatong sa table. Nagtext ako kay Jasper kung nasaan sya at up to now wala pa syang reply. Baka ayaw na din nya ako kausapin. Mas lalo tuloy akong nalungkot.

Naiwan lang ako sa loob ng office dahil may round check si Zander sa buong ospital. Dumaan kanina si Dr. Jirou na binati lang ako. Sabi nya wala daw si Jasper. Baka malate daw. Pero sa pagkakilala ko dun never na late yun sa trabaho. Napatingin ako sa wrist watch ko. Hindi ako mapakali sa pag iisip. Gusto ko na sya tawagan.

Kinuha ko ang phone ko para idial ang number ni Jasper..

"Sam?" nagulat ako at nahinto sa balak kong gawin. I saw Jasper sa pintuan. Napatayo agad ako at nilapitan sya para yakapin.

"I'm sorry!!" madiin kong pagkakasabi habang nakacling ako sa kanya. I heard him chuckled pero di ko pinansin.

"Hey. Its fine." nagulat ako.

That's My Husband Next Door ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang