N i n e t e e n

3.4K 83 3
                                    





Sandali lang byahe papuntang Siargao.. Ginising ako ni Mama ng makababa na ang eroplano. Tinulungan kami ng mga FA sa mga dala namin gamit. Nakalabas kami agad ng airport.

"Sino susundo sa atin Ma?" tanong ko kay Mama na palingon lingon sa paligid na parang may hinahanap. Maya maya..

"Kristina!!" nagulat ako sa tumawag. Napalingon ako at nakita ko ang isang babaeng di nalalayo sa age ni Mama. Niyakap nila ang isat isa.

"Kanina ka pa namin hinhintay!" she said sabay lumingon sa akin na parang di ako kilala. Hindi nga talaga ako kilala. Dahil di ko rin naman sila nakita noon.

"Anak ko.. Panganay.." said Mama at nagalak ang babaeng nasa harapan ko. Niyakap nya ako.

"Nako. Kay gandang bata.. Sa atin nagmana!!" biro nya at natawa kami. Hinila nya ako pasakay sa isang jeep.. Isinakay din ang mga gamit namin.

Dun ko lang nalaman na isla pala ang Siargao na yun. Matapos namin mag jeep, nag bangka pa kami marating lang ang lugar na yun.
Halos matulala ako habang tinatanaw ko mula sa bangka ang kagandahan ng Siargao. Sakop sya ng Surigao Del Norte. Sabi ni Mama madami daw turista ang dinadayo ang lugar na yun bilang pasyalan. At sa dami ng magagandang tanawin sa isla na yun ang iba daw inuulit ulit ang pagbalik dun.

Wow.. nasambit ko habang papalapit na kami sa lugar na yun. Naisip ko na sana isinama ko si Zander sa magandang paraiso na ito. Parang ayoko ng bumalik sa Manila.

Huminto ang bangka sa pampang ng dagat. Sinalubong kami ng isang lalake na Tito ko daw sabi ni Mama. Inalalayan nya kaming makababa ng bangka. Hindi pa din maalis ang pagkamangha ko sa isla.

"Anak ko." nagulat ako ng ipakilala ako ni Mama sa Tito ko daw. Niyakap nya ako sandali saka inaya kami sa bahay daw namin.

Sinakay kami sa isang trike papunta sa barangay namin. Habang nakasakay ako sa trike nakakakita kami ng mga turista na di taga roon at mga foreigner.

"Madami ka papasyalan dito." ngiting sabi ni Mama. Ngumiti ako.

"Oo nga po. Sana nandito ang asawa ko-- " Nagulat ako sa sinabi ko. Nadulas ako.

"Sabi ko sayo e isama mo si Zander." natahimik ako after nun. Naiisip ko pa din ang asawa ko. Kamusta na kaya sya?

Huminto ang trike sa isang compound na may iilan bahay na nakatirik. Siguro mga 6 hanggang 10 ang bahay na sabi ni Mama lahat daw kamag anak namin. Ang laki din pala ng pamilya namin sa side nya. Dala dala ni Tito Manuel ang mga bag namin saka ipinasok sa isang bahay sa bungad ng compound. Naupo muna kami sa may terrace.

"Magmano ka sa Lolo mo." nagulat ako sa bulong ni Mama. Maya maya lumabas ang isang matanda na may dalang pinya at melon sa kamay nya. Binalak ko sana syang tulungan pero ng makita nya ako natigilan sya.

"Sino to?" tanong nya kina Mama.

"Apo nyo po. Anak ko." sabi ni Mama at binalikan ako ng tingin ng matanda.

"Ito yun anak mo kay Samuel!" tumango si Mama.

Nagulat ang matanda at tinitigan ako. Parang ayaw pa maniwala.

"Totoo nga.. Anak mo kay Samuel ito. Hawig nya e." nagulat ako. Hawig pala ako ni Papa. Nagmano ako sa matanda.

"Ang tagal kana min di nakita. Baby ka pa nun. Tapos ngayon parang may asawa kana din." tumango ako. Hinawakan ako sa ulo ni Lolo.

"IHARAP MO SA AKIN YAN ASAWA MO!! SUSUBUKAN NATIN TIGAS NYA DITO!!" nagulat ako ng sumigaw sya. Natawa sina Mama at ako parang engot di alam ang nangyayari.

That's My Husband Next Door ✔Where stories live. Discover now