T w e n t y O n e

3.8K 85 1
                                    




Hindi mapakali si Jasper sa kinatatayuan nya. Nag usap sila ni Kylie sa lugar ng meeting place nila. Ngayon naaya nya na itong magdate after years of stalking her.

"Goodness. Why am I so nervous?" he asked himself habang paulit ulit na nananalamin sa mirror window ng mall.

"Jasper!!" nagulat sya ng tawagin sya ng tinig ng isang babae. Napatingin sya at nakita nya si Kylie. Naka uniform pa ito na galing sa work. Napansin nya ang suot nya dahil ganundin sya. Nagtanggal lang sya ng coat nya at 3/4 sleeves ang suot nya na madalas suot nya sa ospital.

"Kanina ka pa?" asked Kylie.

"Kararating ko lang." sagot ni Jasper.

"Nametag mo?" nagulat sya at nakalimutan nyang tanggalin ang nametag nila sa ospital. Nakaclip yun sa left part ng chest nya.

"Oh no. Nakalimutan ko. Sorry." nagpanic syang tanggalin.

"Its okay. Bagay sayo. You look so formal." nagulat si Jasper at hindi na tinanggal. Nagblushed sya.

"Ano? Lets go?" yaya sa kanya ni Kylie. Hinatak sya nito papasok sa mall.



---



"Sorry ha kung di man lang ako nakapagpalit." said Kylie habang naglalakad sila.

"Wala naman sa akin yun. Tsaka pagod kana. Dapat nga hindi na kita inaya.." natawa si Kylie.

"Okay lang nu. First time ko mamasyal na may ibang kasama. I mean, kaibigan ko lang mga nakakasama ko."

"Sa bagay. New environment." natawa silang dalawa.

May nadaanan silang boutique ng mga ladies dresses.

"Wow.." sumulyap si Kylie sa mga damit sa may boutique.

Napatitig lang sa kanya si Jasper.

"Hoy Kylie! Akalain mong nakakrating ka pala ng mall." nagulat si Jasper sa narinig. Nakita nya ang dalawang babae na nakadress at nakatayo sa harap ni Kylie. Halatang kilala nito si Kylie at sa itsura nila mukhang silang maarte at walang gagawin kundi manlait ng kapwa.

"Amy. Jill." nagulat si Jasper. Kilala nya ang mga babaeng yun.

"Hindi kana nahiya! Nakauniform ka pa na galing sa cheap mong work." maarteng tono ng babaeng maigsi ang buhok at nagngangalang Amy.

"Oo nga. Nakakahiya talaga. May kakapalan din ang mukha nu." Tuloy pa ng isa nitong kasama.

"Sorry." nagulat si Jasper. Bakit sya nagsosorry sa dalawa.

"Bumalik kana nga sa cheap mong trabaho. Dun ka lang nababagay." sabay tawa ng dalawang babae. Napayuko nalang si Kylie sa kahihiyan lalo at naririnig ni Jasper yun.

"STOP IT." nagulat ang dalawang babae sa sigaw ni Jasper. Nilapitan nya si Kylie at inakbayan.

"Ito ba mga kaibigan mo? Honey?"

Nagulat ang isang babae ng tawagin ni Jasper na Honey si Kylie. Inakbayan nya si Kylie.

"My god. I wouldn't want my girlfriend to have friends that looks cheaper than my shoes." sabay tawa ni Jasper.

"Boyfriend mo yan!!" sigaw ni Amy na pahiyang pahiya. Hindi makasagot si Kylie.

"Oo. And I'm a doctor in Divine Heart." pagmamalaki ni Jasper.

"Omg. Sya yun nakita ko sa tv last time yun iniinterview sa Divine Heart." bulong ng babaeng nagngangalang Jill sa kaibigan nya. Halos matameme sila sa kaharap nila.

That's My Husband Next Door ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon