S e v e n t e e n

3.8K 83 2
                                    







Unang araw ko sa pag attend ng therapy ni Dr. Ana. Makakatulong yun physically and emotionally sa akin at sa iba pang makakasama ko. Hinatid ako ni Zander sa unang araw ko.

"Kinakabahan ka ba?" he asked habang papasok kami ng building. Paakyat kami ng second floor. Napailing ako. As long as alam ko na nandyan ang asawa ko para sa akin. Hindi na ako matatakot at kakabahan.

"Okay na ako." I said smiling. Pagkaakyat namin ng escalator. Lumiko kami sa kanan at nakita ang isang kwarto. Binuksan ni Zander ang pinto at nakita ko ang iilan babae na nagkukwentuhan. Hindi ko sila nga kilala at wala din si Dr. Ana. Naisip ko na baka ito yun iba pa na makakasama ko.

"You can leave me here." I said to Zander. Pinagtitinginan kasi kami.

"Sigurado ka? Wala pa si Ana." tumango ako. Hinaplos nya ang buhok ko saka pasimpleng hinalikan sa noo.

"Okay. Magtext ka after mo here." paalala nya.

"Oo. Mag ingat ka." huling bilin ko bago magpaalam. Nang makaalis na sya. Naiwan nalang ako sa loob at naghanap ng mauupuan. Nanatili akong tahimik sa pwesto ko.

"Hi." nagulat ako sa lumapit. Isang babae na medyo payat at siguro di kami nagkakalayo ng edad. Mahaba ang buhok nya at nakapusod. Maputi din sya.

"Hello.." nahihiya pa ako.

"Asawa mo yun kasama mo kanina? Gwapo ha." she said at natawa.

"Ah. Oo. Bakit?" nacurious ako bakit napansin nila agad ang asawa ko.

"Nakita na namin sa tv yun. Diba sya yun may ari ng Divine Heart Hospital and Foundation? Kaya nagulat kami ng makita sya kanina. At asawa ka pala nya." ngumiti ako.

"Pasyente ka din?" balik kong tanong sa kanya.

"Oo. I'm Nica. 35 na ako. Wala pa akong asawa. Boyfriend meron." she said at ngumiti.

"Hirap ka din magbuntis?" tumango sya.

"Oo. Gusto ko na nga talaga mag anak. Kaya lang heto malapit na ako sa pagkabaog." nalungkot ako sa sinabi nya.

"Ano ka ba.. Wag mo na ako damayan sa pighati ko." biro nya sa akin.

"Sabi nga ni Dr. Ana. Think positive daw. Lahat naman tayo dito ganun ang sitwasyon."

"Hormonal imbalance din?"

"Oo. O kaya infertile talaga. Yun di makapagfertilize. Mas mahirap yun kaysa sa hormonal imbalance." napaisip ako.

"May pag asa pa tayo." napangiti ako. Nakikita ko naman sa itsura ng babaeng kaharap ko na malakas ang loob at pananalig nya na mag aanak pa kami.

Maya maya dumating si Dr. Ana at nagsimula na kami.






---




"Here's the list of Ninong's guest." said Jasper matapos ilapag ang isang papel na naglalaman ng mga pangalan ng bisita ng tatay ni Zander sa nalalapit nitong kaarawan. Binasa iyun ni Zander.

That's My Husband Next Door ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora