Careless 3

1.2K 73 12
                                    

Careless 3
FLASHBACK

Halos manigas sa kinatatayuan si Austine nang makita niya ng harap-harapan si Donya Fanny.

"Halika rito!" Sigaw ni Precious at halos mailabas na niya ang sarili sa driver's seat.

"Oh Dios mio! Precious!"

Ipinagtulakan ni Donya Fanny si Austine dahil parang tuod na nakatayo. Nakita ni Donya Fanny ang kanyang apo na sobra sa kalasingan.

"Anong ginawa mo sa apo ko ha?!" Singhal ng matanda sa kanya at dumapo ang kamay nito sa ulo ni Austine upang mabatukan.

"I just drove her home, bakit parang kriminal naman po ako?" angal ni Austine at napakamot ng ulo.

"Tulungan mo ako kesa magreklamo ka d'yan!" sigaw ni Donya Fanny sa kanya.

Binuhat ni Austine ang dalaga at lumitaw ang pink laced underwear nito. Hindi niya maiwasan na mapatingin sa ganda ng tanawin na kanyang nakikita.

"Estupido que estas haciendo?!" Muling pagsinghal ni Donya Fanny kay Austine.

Buhat-buhat niya ang dalaga at ang mga kamay nito'y patuloy na pinipisil ang dibdib ng binata.

"Austine, I like you so much, I wanna taste you like a lollipop," bulong ni Precious at kunot ang noo ni Austine sa kanyang narinig.

"Fuck!" Hindi napigilan ng binata ang mapasigaw dahil kinagat ni Precious ang left arm niya.

Napatingin ang matanda sa kanya at may matatalim na mga mata. Nagpanggap ang binata na wala siyang naramdaman na masakit sa kanyang katawan.

"Ano bang problema ng mag Lola na ito? Hindi nagkakalayo ang ugali nila," bulong niya.

Sa kanyang pagpasok sa bahay, nakita niya ang magargong pagkakaayos nito. Sinalubong siya ng mga napakaraming mata at alam niyang may mapanghusga itong mga hitsura. Mula ulo hanggang paa na pinagmamasdan ang binata, alam naman niyang hindi kanais-nais ang itsura niya. Lalong butas pa ang pantalon niya at may sira ang neckline ng t-shirt dahil sa paghatak ni Precious.

"Grandma! Anong nangyari kay Precious?" aniya ng isang babae at napansin ni Austine na may pagkakahawig ang mga ito kay Precious.

"She's drunk, hija.  Iakyat mo siya sa kuwarto," sambit ni Donya Fanny at itinuro ang nasa kaliwang pintuan sa second floor.

Napatango lang si Austine at sinunod naman niya ang matanda. Sa pagbukas niya ng pintuan namangha siya dahil sa sobrang laki ng kuwarto nito. Ang isang malaking transparent piano ang pumukaw sa kanyang mga mata. Muli niyang nilibot ang mga mata at hinahanap kung saan niya pwedeng ilapag si Precious.

"Kaya pala brat, sunod nga talaga sa layaw," aniya ni Austine at napatingin siya kay Precious. "What the hell!" sigaw niya kay Precious at binitiwan ang dalaga nang basta-basta, kung kaya't tumama ang puwitan nito sa sahig.

"Aray, bakit sinaskatan mo ako?" pag-iyak nito.

"Bakit mo ako sinukahan? Sinira mo na nga ang neckline ng t-shirt ko, sinukahan mo pa!" aniya ng binata at nakita niya ang isang asul sa nakadikit sa kanyang t-shirt.

Alam niyang galing ito sa sinuka ng dalaga pero dinampot niya ito. Napatingin siya sa dalaga at napailing.

"Precious!" Bulalas ni Donya Fanny nang makita ang apo na nakahilata sa sahig. "Nako hijo, magpalit ka ng damit! Pasensya na, ikukuha kita ng bagong damit," aniya ni Donya Fanny at muling lumabas ng kuwarto.

Naiwan ang dalawa sa loob at muling binuhat ni Austine si Precious papasok sa banyo. Ngayon na tahimik lang ang binata at hindi umaangal kahit kinukurot siya nito habang inilalapag ng dahan-dahan sa bathtub.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Where stories live. Discover now