Whisper 53

889 85 29
                                    

Whisper 53

"Waking up with her is the most beautiful thing happened to my life. It's been months, tago pa rin ang relasyon namin. Patuloy umatras ng umatras ang kasal namin ni Eve. My father didn't stop, Eve betrayed me. Nakuhang itago ni Eve ang royalty income ko sa L.A at lahat ng iyon ay binigay niya kay Dad. Ginigipit niya ako sa lahat ng bagay, alam niyang importante ang artwork kong iyon. That canvass is very precious to me. Pinagsamang mukha ni Mama at ni Precious ang nagpanalo sa'kin. Habang ang pangalawa kong ipininta ay kaming tatlong magkakapatid. The three men with different attitude and perpective in life. From Arthur, a tough guy who doesn't give up. Kuya Aiden who changed his life for the better, and me as a guy who is a hopeless romantic. Pero ngayon, hindi ko magawang makuha ang pera kong kinita pati ang credits ko sa painting ko.

We are living together, alam na nila Nanay Luz at Jobert na magkakasama na kami. I bought them a new house, much better kesa sa dati nilang tinitirahan. I provided everything, lahat ng pagkukulang ko kay Precious, pero alam kong hindi pa rin ito sapat. I want to become a family man, the best father for them. Ako na lang ang meron kay Precious, I will not leave her ever again."

*******

"Good morning Mama!" sabay na sinigaw ni Archer at Phobe pagkatapos ay lumapit ang dalawa sa kanya.

"Good morning mga anak, anong gusto niyong breakfast?" malambing niyang pagtatanong.

"Gusto ko po ng buttered shrimp!" bulalas ni Phoebe.

"Me too! That's my favorite! Kapatid nga kita!" sigaw ni Archer at inakbayan si Phoebe. Lumapit si Precious sa mukha ni Archer upang alising ang muta nito sa mata. Kunot ang noo niya nang makita ang kaparehong nunal ni Archer at Phoebe.

"Both of you has a mole? Wala naman akong nunal ha?" giit ni Precious. Ngayon lang niya ito napansin.

"Daddy have!Pareho po kaming may nunal!" bulalas ni Archer.

Mas lalong nagtaka si Precious  dahil alam niyang meron si Phoebe pagkatapos ganoon din kay Archer.

"What's the problem here?" lumapit si Austine at nakiosyoso sa tatlong nag-uusap.

"Daddy, may mga nunal kasi kami like you! Parang ikaw nga po ang Daddy ko!" aniya ni Phoebe.

Nagkatinginan si Precious at biglang may sumagi sa isip niya.

"Magluluto na ako," biglang pag-iwas niya.

Habang siya'y nasa kusina at ang tatlo ay nasa sala, hindi mawala-wala sa isip niya ang pagkakapareha ng tatlo.

"I conceived Phoebe pagkatapos kong magising sa isang hotel. I didn't remember anything, ang alam ko lang. I was violated at si Phoebe ang naging bunga," pilit niyang inaalala ang gabing iyon at si Luke lamang ang alam niyang kasama noon.

"Are you okay baby?" hinagkan siya ni Austine at hinalikan sa leeg.

"I'm just thinking."

"About?"

"The biological father of Phoebe."

Bumitiw si Austine sa kanya at hinarap siya nito.

"Nandito naman ako, nothing to worry. Can we have a date today? Gusto ko sanang ipasuyo muna kay Babe ang anak natin?"

"Sure, gustong-gusto nilang kasama ang dalawa, sigurado sasama si Jobert."

******
Lumipas ang kalahating araw,  umalis sila Austine at Precious. Ngayon na nililigawan pa rin niya ito kahit na isang buong pamilya na sila.

"Austine, I'm pregnant they're twins."

Humarap bigla si Austine sa kanya at abot langit ang ngiti nito.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon