Whisper 39

859 72 28
                                    

Whisper 39

Nakatulalang naka-upo si Austine sa kanyang opisina. Wala talaga siyang takas sa ama dahil ang sikreto nila ni Eve ay kanyang natuklasan. Pinagpatuloy ni Smith ang pagkaka-blacklisted niya sa Los Angeles. Wala siyang magawa kung hindi sumunod sa utos ng Ama. Nakuha na niyang mapikon dahil hindi niya magawa ang ginagawa ni Arthur, patagong kumilos ang kapatid niya. Dinaig pa ang pusa na nagnanakaw ng ulam sa kabilang bahay.

"Sir excuse po," pumasok ang HR officer sa kanyang opisina. Pinagmasdan ni Austine mula ulo hanggang paa ang babae. Hindi makakaila na tipo niya ito.

"Yes? What do you want beautiful lady?" malambing niyang sinabi at halatang namula ang empleyado.

"Sir, Mrs Del Cueva is not around today, we have an applicant today for job interview. She said that, puwede daw po kayong magconduct ng  interview kapag wala rin po si miss Eve Del Monte."

"O-okay, ngayon na ba? Give me the curriculum vitae," utos niya at inabot naman ito ng empleyado.

"After po ng interview sa HR, padidiretsohin ko na po 'yung mga pumasa sa exam today," aniya ng HR officer. Pinagmasdan ni Austine ang mga curriculum vitae na binigay nito sa kanya. Hindi niya halos akalain na nandito ang mukha ni Precious.

"Unahin mo si Ms. Vega for final interview agad," utos niya.

"Pero hindi pa po 'yon nage-exam sir?" aniya nito.

"I'm the boss and you should follow my instruction beautiful young lady. Tawagin mo na at ayokong naghihintay," mariin niyang sinabi at tumango na lang ang HR officer.

"Palay talaga ang lumalapit para matuka," bulong niya at tumawa mag-isa.

Kabado at panay ang hatak ni Precious sa dress na pinahiram ni Babe. She's wearing a white fitted dress with black coat. Bahagya rin mataas ang slit ng kanyang dress.

"Miss Vega, diretso na po kayo sa CFO office for final interview, straight ahead the mag-turn right po kayo. Last door po siya sa dulo ng building."

"Salamat po," she answered.

Nakuha niyang maglakad hanggang sa marating ang opisina nito.

"Para sa gamot mo anak at sa'yo Nanay Luz. Alam kong magkakaroon na rin ako ng magandang trabaho."

Narating niya ang opisina at nagbigay siya ng dalawang katok bago buksan ang pintuan.

"Good morning Sir--"

"Ano nga ba ang pangalan nitong magi-interview sa'kin? Ni hindi naman sinabi!" bulong niya at kinakabahan siya dahil nakatalikod pa rin ito.

"Good morning Ms. Vega."

Nanigas sa kinakatayuan si Precious nang makita si Austine sa harapan niya. Hindi siya makapagsalita at hindi niya makuhang maalarma.

"Have a seat."

Hindi nakakilos si Precious at nakatayo pa rin siya sa harapan ni Austine.

"Ako pa ba ang lalapit sa'yo Ms. Vega para lang maupo ka?" malambing na sinabi ni Austine.

"I'm s-sorry po," giit niya at umupo.

"You are actually hired, hindi mo na kailangan mag-exam."

"Anong kapalit?" diretso niyang sinagot.

"Nanny of my son."

"Son? O baka ikaw ang nangangailangan ng Nanny?"

"Oh, kinda brat? I will hire you here as a part time employee only for three hundred pesos, four hours work schedule."

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon