Whisper 34

830 77 21
                                    

Whisper 34

Pagod at inaantok pa si Precious, halos kinatatamaran na rin niyang pumasok ng trabaho. Sa kanyang paglabas, inayos rin niya ang basura na itinapon bago tuluyang sumakay ng tricycle.

"Precious! Nako! Kailangan mong isuot 'to!" Salubong ni Dudot sa kanya pagpasok niya sa trabaho.

"Ha? Bakit naman ganyan? Waitress lang ako rito ay hindi pok-pok," reklamo niya dahil sa nakitang kumikintab na dress at napaka ikli nito.

"Ayaw akong palabasin ni Ma'am. Sabi niya sa'kin, mga babae lang daw ngayon dahil Bachelor's night sa bar," giit ni Dudot.

"Precious!"

Napatingin si Dudot at Precious sa boss ng bar.

"Ano po?"

"Dalian mong magdamit! Bagal mong kumilos, late ka pa! Masasabunutan ka na talaga sa'kin! Isuot mo 'yan dali!"

Pinagtulakan siya nito papasok ng banyo upang palitan ang uniporme niya. Mabigat man sa loob ni Precious, pero kailangan niyang gawin ito upang kumita ng pera. Isinuot niya ang kulay pulang kumikintab na laced dress. Napatingin siya sa salamin at nakita kung gaano kahalay ang kanyang suot. Sinimulan niyang iladlad ang buhok upang matakpan ang dibdib niyang halos lumitaw dahil sa malinaw na bestida.

Sa kanyang paglabas, nakita niya ang mga kasamahan na waitress. Halos excited sa lahat dahil alam nilang open tip at puwede silang bayaran ng malaki kesa sa pagiging waitress.

"Dignidad na nga lang ang meroon sa akin, yuyurakan pa ng hayop na ito," bulong ni Precious at panay paghihimutok sa boss nila.

Halos maglaglag ang panga ni Precious nang makita ang mga pick-up girls na halos bumakaka na sa harapan ng kalalakihan. Mga stripper's na iniintsahan ng pera. Kinuha niya ang tray at tumayo lang sa gilid. Nanginginig ang tuhod niya dahil hindi pa siya naka kain ng maayos. Panay ang pagkirot ng sikmura niya at sinandal ang sarili.

Walang pakialam at akala mo'y walang pinoprotekhan na pangalan si Austine. Kilala siyang pintor, kilala rin na "sex goddess". Nilingon niya ang cellphone at nakita ang ilang tawag mula kay Eve. Panay buntot ang dalaga sa kanya, pero ni minsan hindi niya ito binalakan na tikman.

"Oh! Katrina!" pagtawag ni Autine.
Nilingon siya ng dalaga at tiningnan lamang siya. Para bang yinurakan ang pagkalalaki niya dahil inirapan lang siya ng dalaga. May kasama itong lalaki kung kaya't hindi siya pinansin.

"Okay, hindi 'wag," bulong niya at patuloy na pinanunuod ang mga babaeng sumasayaw sa entablado. Muling umikot ang paningin ni Austine at nahagip niya si Precious. Nakatayo lang ito sa gilid at may hawak na tray. Umawang ang ngiti sa kanyang labi nang makita kung gaano kaganda ang babae.

"Hey!" tinawag niya ang isang waitress at dali-dali naman na lumapit ang babae.

"Yes, Sir?"

"I want that woman to serve me a wine."

Tumango ang waitress at pinuntahan si Precious.
"Precious, tawag ka sa table 6, dalhan mo raw ng wine."

Tumango si Precious at padabog na lumapit sa table number six.
"Sir wine n--" nabitiwan ni Precious ang wine at tumapon sa paligid ng kinauupuan ni Austine.

"What the fuck is the problem!? Simpleng pag-serve ng wine hindi mo ma maibigay ng maayos!?" Singhal ni Austine sa kanya.

"S-sorry Austine," giit niya at yumuko upang punasan ang gilid ng upuan ni Austine gamit ang tissue.

Pumukaw sa kanyang atensyon ang dibdib ng babae na tumambad sa kanya habang nakayuko ito. "S-sir!" napatili siya nang bigla siyang hatakin nito upang maikandong.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon