Whisper 52

919 89 35
                                    

Whisper 52

Halos mabulabog ang mga empleyado pati na ni Smith sa boardroom. Dumagundong ang pintuan na binagsak ni Austine at sa kanya lamang nakatingin.

"What's the problem son?" tanong ni Smith sa kanya.

"Everybody get out! Now!" Sigaw niya at nagsitayuan ang mga empleyado para lumabas.

Sa pagsara ng pintuan, halos atakihin sa puso si Smith nang ibalibag ni Austine ang mga upuan sa gilid, tinadyakan din nito ang lamesa at umtras sa kanyang Ama.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" wika ni Smith sa kanya.

"You! You ruined my life! Ama nga ba talaga kita?! Answer me, Smith!" sigaw ni Austine at binato ang dokumento sa harap ng kanyang Ama.

"What are you talking about?!"

"Nagmamang-maangan ka pa?! Binalot mo ako sa kasimungalingan! Buong akala kong inabanduna ni Precious ang anak namin, pero lahat 'yon kasinungalingan!"

Tinawanan siya ng Ama at umupo ito sa swivel chair.

"Nagkakaganyan ka dahil sa babae? Why? Does she told everything to you?"

"Alam ko na lahat Dad! Subukan mong kantiin si Precious at makialam sa buhay naming tatlo nila Archer. Ilalayo ko ang apo mo sa'yo at kalimutan mo na rin may anak ka! Hindi ka na nakontento, kaming dalawa ni Arthur ang pinupuntirya mo! Don't fuck with our lives!"

Dali-daling lumabas ng opisina si Austine upang kunin lahat ng gamit nila ni Archer sa manyson. Walang humpay sa pag-iyak si Austine habang siya'y naghahakot. He's guilty to himself, pitong taon siyang nagtanim ng sama ng loob sa babaeng mahal niya. To the point that he violated Precious psychologically and physically. Galit na galit siya sa sarili dahil hindi niya nakuhang alamin ang katotohanan bago siya nag-conclude at magalit kay Precious.

"Dad, why are you crying?"

Hinagkan ni Austine ang kanyang anak ng napakahigpit.
"Your mom loves you so much. Ayokong magalit ka sa kanya, hindi ba't hinahanap mo siya? Kasalanan ko lahat anak."

"Dad, I want to meet mommy, I wanna see her!"

"Yes son, ipapakilala kita sa kanya. But this time, help me to court Precious."

"What? I don't understand? Akala ko ba si Mama tapos si P--. Don't tell me, she's my Mommy?!" bulalas nito. Napangiti si Austine at hinagkan ang anak.

"Ang talino mo talaga."

"I wanna see her! Dad, paano po nangyari! Tell me please!"

"We will be a happy family now."

Bumangon si Precious mula sa kanyang higaan. Tinawagan niya si Nanay Luz, Babe at Jobert bilang abiso na siya'y nasa ospital. Kinumutan niya si Phoebe na tumabi sa kanya dahil ayaw rin kumawala ng kanyang anak.

"Oh my gosh!" Para bang nakakita ng multo si Precious nang makita si Luke na pumasok sa loob. "What are you doing here?! Anong pakay mo?" mahina niyang sinabi pero bakas ang galit sa kanyang pagtatanong.

"You and Austine again? Ganyan ka ba katanga sa lalaking inaakala mong mapagkakatiwalaan?"

"Bakit, mapagkakatiwalaan ba kita?" pagngisi ni Preicous.

Binagsak ni Luke sa kama ang ilang litrato at dokumento. Dinampot naman ito ni Preicous at binasa ang mga nakasaad dito.

"Hindi mo alam na tinatanga at ginagantihan ka lang pala ng taong mahal mo? Hanggang kailan ka ba magpapakabobo sa lalaking 'yan?" giit ni Luke at tumawa.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt