Careless 13

823 63 7
                                    

Careless 13

FLASHBACK

"Precious!" sigaw ni Babe sa kanya.

Dali-daling lumapit ang dalaga. Umupo ito sa tabi ni Babe at inabutan niya ng pagkain.

"Wow, giver ka naman pala," pagbibiro ni Babe kay Precious.

"May bayad yan," seryosong sinabi ni Precious habang kumakain ng balot.

"Ayon lang! Wala akong pera," busangot na kanyang pagsagot.

"Baliw, maging kaibigan mo lang ako. Binili kita sa halagang onse pesos na balot!" pagtawa ni Precious.

Natapos din nilang kainin ang balot habang nakaupo sa labas ng hospital.

"Halika, ipapakilala kita kay lola Toni," aniya ni Babe at hinawakan ang kamay niya.

"Talaga?  Pangit ba ako?" biglang tanong ni Precious.

"Ang arte mo naman! Lola ko lang ang ipapakilala ko sa'yo! Kung pangit ka, ano pa ako? Hukluban?" sarkastikong sambit ni Babe.

Tila nabawasan sa aura ng dalaga sa pagmamaldita at unti-unting gumagaan ang bungad ng kanyang mukha.

"Lola si Precious po, Precious si lola Toni.

Inilahad ni Precious ang kamay at ganoon din ang matanda. Para bang may kumurot sa puso ng dalaga, nang makita ang itsura ng lola ni Babe.

Payat  at pawang balat na lamang ang mahahawakan mo rito. Hindi rin kumibo ang matanda at nginitian lang siya. Ramdam ni Precious ang lungkot sa mga mata ni Babe habang siya'y nakatingin dito.

"Lola, Babe, labas lang po ako saglit ha?" pagpapaalam niya at tumango lang si Babe.

Sa pagsara ng pintuan, hindi napigilan ng dalaga ang maluha dahil sa kanyang nakita.

"Life is so unfair, bakit hindi kaya pwedeng pantay-pantay na lang ang buhay? Napaka suwerte ko, I have everything. From head to toe, sunod sa layaw. Ni hindi nakaranas ng hirap at gutom. Gusto ko silang tulungan sa abot  ng makakaya ko," napabuntong hininga ang dalaga.

Bago siya tuluyang lumabas ng Hospital, nag-iwan na muna siya ng mensahe kay Babe.

"Uuwi lang ako saglit at babalikan ko kayo," aniya ng dalaga.

Sa buong tanan ng buhay niya, ngayon lang naging makabuluhan ang load niya sa cellphone. Madalas na siya ang tinatawagan dahil may pagkapa-importante ang dalaga. Ayaw niyang siya ang lumalapit, dahil gusto niyang siya ang nilalapitan. Ginamit niya ang bisikleta upang maging transportasyon pa pauwi, malayo-layo ang kanyang iniisip habang tinatahak ang kalsada.

******
Panay ang pag-aabang ni Austine sa labas ng subdivision nila Precious. Hinihintay niyang matsempuhan ang dalaga dahil ni isang call at text niya'y hindi na ito nagparamdam, magmula ang araw na nagtapat silang dalawa ng parehong nararamdaman.

"Precious!" napabalikwas ang binata mula sa kanyang kinauupuan at sinalubong ang dalaga na naka bike.

Magulo ang buhok at mukhang wala sa tamang timpla ang itsura nito.

"Oh, buti nandito ka?" hindi siya tiningnan ng dalaga.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Hawak mo naman ang cellphone mo? Nag-drop ka raw sa last three weeks summer lesson?" sunod-sunod na tanong ng binata.

"Eh ano, busy ako Austine," pag-iwas ni Precious.

Tanging nararamdaman lang ng dalaga  ay ayaw na niyang mahulog pa ng mas lalalim pa rito. Dahil alam niyang hindi rin magtatagal ang relasyon nila.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Where stories live. Discover now