Whisper 58

780 75 17
                                    

Whisper 58

Nakaramdam ng hilo si Precious kung kaya't maaga niyang pinatulog ang dalawang anak. Habang siya na dumiretso na sa kuwarto nila ni Austine upang magpahinga. Habang inaayos niya ang gamit, nakita niya ang isang cellphone ni Austine. Basag ang screen nito at mukhang napabayaan. Sinubukan niyang buksan ang cellphone ni Austine. Laking gulat ni Precious na napaka raming messages nito sa isang babae na nagngangalang Katrina.

Binasa niya lahat ng coversation ng nobyo at ni Katrina. Nanginig ang katawan niya sa sobrang galit, hindi lang ordinaryong conversation ang kanyang nabasa, kung ano-ano pang malalaswang litrato ang pinapadala ng babaeg kausap ni Austine.

"What's the matter with you? You are a womanizer Austine! Hindi ko na nga alam kung paano ako gagaling para lamang makampleto tayo. Hindi pa tapos ang nabalitaan ko kay Eve at sa'yo, pagkatapos ito naman ngayon! These are just recent pictures! Paano ako lalayo, paano ang mga anak natin kung ganito ka?!" hindi niya napigilan na umiyak at basta na lang niya initsa ang cellphone Austine sa drawer.

Sa pagbukas ng pintuan ni Austine naabutan niya sila Archer at Phoebe na nasa kusina. Nakasampa sa upuan si Phoebe habang si Archer na taga hawak ng upuan.

"Anak anong ginagawa niyo?" wika ni Austine.

"Daddy!" sigaw ng dalawang bata. Mag kabilang bisig niyang binuhat ang mga anak. Halos papakin ni Austine ang dalawang bata sa halik.

"Anong ginagawa niyo rito? Baka mahulog ka naman Phoebe, asan ang mama niyo?"

"Nasa kuwarto na po si Mama. Masama po kasi ang pakiramdam niya kaya hindi na po namin siya inistorbo ni Phoebe," wika ni Archer.

"Bago ko silipin ang mama niyo, anong kinukuha niyo sa fridge?" giit ni Austine.

"Nagugutom po ako, gusto ko ng chicken sandwich!" bulalas ni Pheobe at hinatak ang pantalon ng ama para ipakuha ang palaman na ginawa ni Precious. Nakuhang asikasuhin ni Austine ang dalawang bata. Tuwang-tuwa siyang makita na napaka sigla ng dalawa at may kalaro na si Archer. Wala sa wisyong pinisil ni Austine ang pisngi ni Phoebe.

"Daddy masakit!" hiyaw nito at kinurot din ang ama.

"Ang cute mo anak. Mas kamukha mo ang mama mo kapag kumakain, ang takaw-takaw," giit ni Austine.

"Oo nga po, kamukha niya si mama. Nagkatalo lang po talaga sa nunal niya sa nose at eyes daddy!" sagot naman ni Archer.

Muli niyang pinagmasdan ang dalawang bata na nagmi-midnight snacks. Bago niya pa makalimutan, kinuha ni Austine ang wedding ring para kay Precious. Sa kanyang paglabas namilog ang mga mata ng dalawang bata.

"Daddy ang ganda naman po niyan!" sambit ni Archer.

"Ang kintab din po!" singit naman ni Phoebe.

"Daddy will ask a favor for the both of you. Gusto ko sanang tulungan niyo ako kay mama Precious."

"I know that! Luluhod po kayo tapos bibigyan ng singsing si mama?" sambit ni Archer.

"Tama anak, papakasalan ko ang mama niyo. Tapos magkakaroon pa kayo ng dalawang kapatid. Tutulungan niyo ba ako?"

"Opo!" tili ng dalawa at dahan-dahan na hinawakan ang wedding ring na binili niya para kay Precious.

Nang matapos sa pagkain ang dalawang bata, sinundan nila ang kanilang ama sa painting room nito. Namangha si Phoebe nang makita ang isang file na puro si Precious ang mukha nito. Nagulat siya na mula pa noon ay pinipinta na nito ang kanilang ina.

"I really love your mother, kaya kahit hindi kami nagkita ng ilang taon. Alam ko pa rin ang bawat detalye ng kanyang mukha. I love your mom so much, she's my life and both of you are the fruits of our love. Kaya kapag wala ako at nasa trabaho, aalagaan niyo si mama ha?" hinawakan ni Austine ang mukha ni Pheobe at Archer na inosenteng nakatingin sa kanya.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora