Careless 21

795 68 20
                                    

Careless 21

FLASHBACK

Naghihimutok si Valdo sa mansyon dahil sa ipinakitang ugali ni Austine sa hapag kainan.

"Gano'n ba kabastos ang mga anak ni Smith?! Walang respeto!" Aniya ng Tatay nila.

"No Dad! Okay lang ako kay Austine," malanding pagngiti ni Vanessa habang inaalala ang nangyari kanina.

"Bakit ganyan ang ngiti mo? Anong ginawa niyong dalawa ha!" Sigaw ni Valdo sa kanyang anak.

"Dad! Matanda na ako, tsaka nag-usap lang naman kami," pag-irap nito.

Nagkatinginan sila ng kapatid niyang si Vero at kumindat ito ng pasimple.

"Ako rin Dad, I want Arthur!"

"No! Bata mo pa para lumastod! Huwag kang tutulad sa mga pinsan mo! Lalo sa sampid na si Precious na 'yan!"

"Dad! Kailangan kong makasal kay Austine! Alam mo bang pati si Austine ay kinakalantari niya? Nakakagigil na talaga ang babaeng 'yan!"

"Pag-iisipan ko Vanessa, sa kabastusan na ugali ng binata. Mas gugustohin kong makipagsundo sa mga Del Monte!" giit nito. Napatayo si Vanessa at nilapitan ang ama.

"No! Ikakasal ako kay Austine! Ayokong ibenta mo na lang sa mga Del Monte ang lahat!"

Hindi sumagot ang Ama niya at tinalikuran lamang siya nito. Asar na naiwan si Vanessa sa sala kasama ng kanyang kapatid. Wala rin itong kibo at kibit balikat na tumingin sa kanyang ate.

******
Ilang araw ang nakalipas at nalalapit na ang kaarawan ni Precious, ngayon lamang siya magce-celebrate ng kanyang birthday sa kalye. Hawak niya ang isang bag ng basahan at inilalako ito sa kalye.

"Precious! Halika hangga't trapik maglako tayo!" aniya ni Jobert.

"Jobert may pera naman ako rito! Huwag na tayo maglako! Nakakatakot ang mga truck!" tili niya at napaatras dahil biglang nag GO ang stoplight.

"Precious naman! Hindi habang buhay may ipon ka! Kailangan mo rin magbanat ng buto. Anak mayaman ka kasi, halatang-halata sa'yo. Paano ka matututo at kikita mula sariling mong pawis, kung ayaw mong matuto sa ganitong buhay?" giit ni Jobert at kinuha ang bitbit niya.

"Ako na sige susubukan ko," pilit na ngumiti si Precious at inagaw muli ang isang bag na basahan.

"Basahan po! Tatlo isang daan po Sir!" sigaw ni Precious habang siya'y nakikipagsabayan sa mga truck sa kahabaan ng kalsada.

"Ah!" tili niya.

"Ano ba 'yan miss! Mag-ingat ka nga!" suway ng isang naka motorsiklo sa kanya.

Kamuntik siyang mabangga nito dahil tuloy-tuloy siyang kumaliwa, kung kaya't hindi niya nakuhang mapansin ang paparating na motor.

"Sorry po!" nanginig ang buong katawan niya at pinilit pa rin nitong tumabi sa kalye.

"Uy miss! Pwedeng ikaw na lang ang bilhin?" sigaw ng truck driver sa kanya at patuloy siyang pinapaswitan ng iba pang nasa kalsada.

"Hoy ang babastos niyo! Mga gunggong!" Sigaw ni Jobert at hinatak ang kamay ni Precious.

Tumabi sa gilid ng kalsada ang dalawa at pinunasan ni Precious ang kanyang pawis.

"Maglabandera na lang kaya ako?" giit niya.

"Sa itsura ng kamay mong 'yan, mukhang lulunurin ka sa sabon ng may-ari!"

"Paano ako matututo kung hindi ko susubukan diba?" sagot niya.

"E'di sige at itatanong ko si Nanay Luz."

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Where stories live. Discover now