Whisper 54

888 80 19
                                    

Whisper 54

"Gastric Cancer Stage I."

Napapikit si Precious sa sobrang panlulumo at hindi maiwasan na humagulgol sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman.

"Can I live? How about our twins?"

"Kailangan maagapan ito. Ma-aaring makaapekto ito sa iyong sinapupunan."

"Oh no, no. Bakit?!" sigaw niya sa Doctor.

Biglang napapasok si Smith at hinagkan si Precious.

"Mr. Lavigne," gulat na sinabi ng Doctor.

"Please Doc, leave as for a while. I will talk to her okay? Thank you."

Pinagsusuntok ni Precious ang dibdib ni Smith habang mahigpit na nakayakap ito sa kanya.

"Please, don't cry. I will help you Precious."

"No! Don't help me! Tapos ano ang kapalit? Ilalayo mo sa'kin ang mga anak ko at si Austine! You cannot fool me! Mas gugustuhin kong mamatay kesa manghingi ng tulong sa'yo!" she pushed Smith at tinabig ang kamay nito.

"Malaki ang kasalanan ko sa'yo, but please. Hayaan mo akong bumawi, walang kapalit. Please just live!"

Tumawa si Precious at hindi makapaniwala na nakikiusap ang tatay ni Austine sa kanya.

"Please live para ano? Para sirain ang buhay namin ng anak mo? Sabihin mo nga sa'kin! Anong mapapala mo sa pagsira sa buhay ng mga anak mo? Sumaya ka ba? Naging kompleto ba kayo? Hindi diba? You are still broken like a fucking glass!" giit ni Precious.

"Please, magpagamot ka. I know my son, I know Austine very well than you know. Kapag nawala ka, he will ruin his life! Ikaw ang buhay ng anak ko! Yes, marami akong kasalanan. Pero sa pagmamasid ko sa buhay niya, sa buhay niyong dalawa. You really love each other like my son Arthur and Regine! Please Precious, para rin ito sa'yo."

Natahimik si Precious at sinubsob ang mukha sa tuhod. Hindi niya makuhang tumahan habang iniisip ang lahat ng sinasabi ng Doctor sa kanya.

"Tell me how? Cancer 'to! Hindi ito basta-bastang sakit na sumakit lang ang sikmura! This is serious disease, I want to live. Ayokong iwan si Austine."

"I'm so sorry Precious. Please forgive me for that I've done to you and Archer," lumuhod si Smith habang hawak niya ang kamay ni Precious.

Hindi makapaniwala si Precious sa ginawa nito sa kanya. Alam niyang seryoso ito, lalong ang iyak ni Smith ay hindi mukhang biro.

"Please, pagbigyan mo ako. Ipapagamot kita, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa'yo. It's all my fault, I ruined your life, my grandson and my son's life. Please, Precious."

"Please don't tell Austine about this."

"Yes I will not tell him. I'm sorry Precious, hindi kita pababayaan. Ipapagamot kita."

Hinagkan niya si Precious habang walang tigil sa pagluha ang babae. Biglang pumasok si Akio at nakita si Smith na nakayakap kay Precious.

"Get off! Are you okay now?" aniya ni Akio at tinabig si Smith papalayo.

"Can you do me a favor Aki?" humarap si Precious kay Akio at halatang naguguluhan ito sa reaksyon ng dalawa.

"What? Anything."

Yumuko si Precious at hindi kinaya ang biglang paghagulgol, nalilito si Akio sa kinilos ni Precious at umiiling lang ito.

"Go with her Akio. I will finance her medication in Europe," wika ni Smith.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Where stories live. Discover now