PROLOGUE

4.5K 130 16
                                    

PROLOGUE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PROLOGUE

Mausok, maingay at amoy thinner ang buong paligid. Makalat at puno ng pintura ang sahig. Tila isang stock room ang itsura ng kanyang kwarto.
            "Ugh!" sigaw nito at binato ang bote ng pintura.
Nagkalat ang bubog tulad ng puso niyang nawasak. Tumulo rin ang luha niya sa kanyang mukha. Dinampot niya ang alak sa kanyang tabi at nilagok ang pait.

Pait ng lasa at pait na kanyang natamo sa buong pagmamahal na kanyang ibinigay sa isang babae.

Tiningnan niya ang babaeng hindi niya matapos-tapos na proyekto.
              "I love you. But at the same time,  I hate you," sambit nito habang nakatitig sa mga mata ng babaeng pinipinta.
             "I was a fool. blinded with your angelic face. Deep down your soul, you are a demon. You should rot in hell," muli niyang binato ang baso at nagakalat ang bubog. Poot at hinagpis ang kanyang nararamdaman, gusto niyang maghiganti ngunit wala siyang lakas gawin ang bagay na ito.

            "Kahit galit ako sa'yo, gusto kong mapasa'kin ka pa rin. Gusto kitang saktan, gusto kong iparamdam sa'yo ang bigat na hatid mo sa'kin. The bitter sweet of your lies, bitch!" pilit niyang nilunok ang sakit habang nakaupo sa sahig.

Hindi niya maintindihan ang sarili at wala siya sa katinuaan. Tumayo siya at kinuha ang susi ng kotse. Sa kanyang paglalalakad papunta sa pintuan. Lumingon siya sa babaeng nakapinta.
            "I will never  paint you wings. You will never be free from my sweet revenge," napabuntong-hininga siya nang sumagi sa isip ang matatamis na ngiti ng babaeng nag-iwan ng marka sa kanyang kaluluwa

"I was careless when I whispered, I love you."

THE LAVIGNE SERIES #2
CARELESS WHISPER
(Austine Lavigne)

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Where stories live. Discover now