Careless 27

966 71 22
                                    

Careless 27

FLASHBACK

Hinalungkat ni Precious ang kanyang mga lumang damit dahil sa kanilang dinner date ni Doctor Aki. Kinakabahan siya habang nakatingin sa salamin.

"Jobert maganda ba?"

"Ay wow! Bakla! Maganda 'yan!" Aniya ni Jobert at pinalo ang puwitan niya.

"Sinabi ko na nga ba at type ka ng Doctor na iyan," giit ni nanay Luz.

"Friendly date lang naman po ito! Basta huwag pong mag assume at mag-expect, nang hindi masaktan."

"E'di nag-expect ka rin!" tili ni Jobert dahil bigla nilang narinig ang busina sa labas.

"Go girl! Galingan mong humalik ha!" Aniya ni Jobert. Nakatikhim naman ito ng sapok kay nanay Luz.

"Baliw ka talaga! Tatahiin ko ang bibig mo Jobert!" Giit ni nanay Luz.

"Nako, mauuna na apo ako! Ba-bye!" Hinalikan ni Precious si nanay Luz sa noo at kinurot naman niya ang pisngi ni Jobert.

Sa kanyang paglabas, parang naging yelo ang buong katawan niya nang makita si Doctor Aki na hindi pormal ang itsura.

He's wearing a jogging pants, black shirt at sneakers. Lumitaw pa lalo ang tattoo ng binata.

Lalong hindi rin naka brush-up ang buhok nito. Nanatiling magulo ang malabong na mahabang buhok ni Doctor Aki.

"You look gorgeous. Akala ko twenty five ka na," diretsong sinabi ng binata.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or insulto 'yan Doc!"

"Don't call me Doc, makulit ka rin ha? Aki na nga lang. Halika na gutom na ako!" Aniya ng binata.

Isang casual date at hindi tulad noon na wild date ang natutunghayan ni Precious ngayon. Kung noon na sobrang kinakailangan niyang maging wild at party girl dahil nakikipag kompitensya o may kailangan siyang patunayan. Pero ngayon na ito na ang katotohanan sa likod ng maskara.

A simple young lady. Tila ang arte niya ay nanatili na lamang sa nakaraan.

"Ilang taon ka na Doc, I mean Aki?"

"Secret walang clue."

"Ay ganoon? Ako eighteen!" giit niya at natawa si Aki.

"Mukha kang twenty-five. Matured ang built mo," giit niya.

Napanguso si Precious dahil ang inaasahan niyang sasabihin nito ay mukha siyang bata.

"Ano bang trip mong pagkain?"

"Kahit ano lang, hindi naman ako maarte," diretso niyang sinagot.

Dinala siya nito sa isang fine dinning restaurant. Lalong pinagtitinginan silang dalawa, may iilan pang nakakakilala kay Precious. Ayaw niyang dalhin ang dalaga sa isang pipitsugin na restaurant, kung kaya't sa isang mamahalin niya ito dinala.

Habang hinihintay nila ang order, nakatingin lang si Precious sa piano sa isang entablado.

"Do you want to play?"

"Kilala mo ba ako?" pagtatanong ni Precious.

"Of  course, The Precious Pianist."

Biglang nakaramdam ng hiya ang dalaga dahil sa sinabi ni Aki. Lalong kilalang-kilala siya sa image na 'young slut'.

"You know what Precious, itaas mo ang noo mo. Kahit anong sabihin ng ibang tao sa'yo, hayaan mo sila. Lalo na't wala silang ambag sa buhay mo. Rule number one, fuck what they think."

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Where stories live. Discover now