Whisper 38

780 79 25
                                    

Whisper 38

Tikom ang bibig ni Precious habang siya'y naglalakad sa kalsada. Wala siyang nagawa kung hindi maglakad ng wala sa sarili. Tila ang atensyon niya sa paghahanap ng susuotin ay napunta sa mag-ama.

"Pamilyadong tao na nga siguro siya? O baka walang asawa? Bakit gustong-gusto niya akong makamkam? Sa puntong bibilhin niya ang pagkatao ko, upang makasiping ko lang siya. Bakit parang tupa ang maamo niyang mukha kanina? Parang nakita ko ulit ang lalaking kinabaliwan ko."

Na upo si Precious sa tabi at hinugot sa bulsa ang kanyang kwintas na binigay ni Austine.
"Ilang beses ka nang muntikan masanla. Pero hindi ko kaya, kahit na magutom na ako, hindi kita ipapamigay sa kahit kanino kapalit ng pera."

Nakuhang masuya ng kanyang panlasa, gusto niyang masuka habang kumikirot ang kanyang dibdib.

"Ugh! Kumain naman ako bakit ganito?" tumayo siya at muling nilibang ang sarili.

Payapang nakatayo sa labas ng sasakyan si Austine dahil kakatapos lang niyang ihatid ang anak sa private tutorial nito. Hindi mawala-wala sa isip niya ang itsura ni Precious, inosente pa rin ang mukha, ngunit alam ni Austine na iba pa rin ang pag-uugali nito. Ayaw niyang madala sa nararanasan ni Precious. Aminado naman siyang, na aawa sa sitwasyon nito, pero na nanaig pa rin ang galit niya dahil sa pagbenta ng kanilang anak.

"This is the first time, sabay-sabay tayong kumain kanina. Unang beses na makausap at makasama ka ni Archer. Come on, I miss my mom, kung nandito ka lang din Ma. Sana hindi ganito ag buhay namin tatlo. But actaully, it's our choice."

He maybe a monster, but Austine has a soft side. Muli siyang nagmaneho upang pumunta ng Luneta, sa dinami-rami ng taong kanyang makikita. Muli silang nagkasalubong. Akmang iiwasan ni Precious si Austine, ngunit hinablot nito ang kamay niya. Nakapa niya ang matigas at magaspang nitong mga kamay. Malayo sa kamay ni Precious noong dalaga pa ito.

"Do you have a decent job?" aniya ni Austine. Napangisi bigla si Precious dahil sa panimula ni Austine.

"Iinsultohin mo na naman ba ako? Kung 'yan lang ang ipapamukha mo sa'kin na mababang klase akong babae, huwag mo na lang akong kausapin."

Umawang ang matatamis na ngiti sa kanyang mga labi at halatang insulto ito kay Precious.

"I'm looking for a Nanny, I will double your salary."

"N-no thanks. Alam ko naman na sex toy lang ang mangyayari at hindi Nanny."

Mas lalong natawa si Austine at biglang nag-iba ang aura nito.

"Tulad ng sinabi ko, you are my bitch now. You cannot escape, understand?!" Mariin nitong hinawakan ang braso niya at biglang binitiwan. Naiwan na nakatulala si Precious at mas pinunit ang kanyang puso. Napatingin si Precious sa kanyang cellphone dahil sa walang humpay na pagtunog nito.

"Babe!"
niya mula sa kabilang linya.

"Precious! Nasa Manila na ako! Saan ba kita pwedeng hanapin? Ang hirap mong hanapin!"

"Sige, magkita tayo! Na miss kita! I-tetext ko sa'yo ang address."

Sa kabilang dako...

Nakuhang balikan ni Austine ang anak niyang si Archer. Hinintay niya ang oras ng pag-uwi nito hanggang sa salubungin siya ng anak.

"Dad! I have a five star!" ipinagmalaki nito ang kamay na may tatak at binuhat naman siya ni Austine.

"Matalino ka talaga anak! Tell me, what do you want? Bibili kita ng kahit anong gusto mo.

"I want my Mommy."

"Anak, mahirap yatang bilhin ang Mama mo," mahina niyang sinabi.

"Are you going to buy a Mommy?" Nagulat si Austine dahil napaka lakas pa ng pandinig ng kanyang anak.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Where stories live. Discover now