Careless 2

1.4K 77 12
                                    

Careless 2
FLASHBACK

Hawak ni Precious ang kanyang cellphone at patuloy pa rin itong naghihintay sa tawag ng kanyang Lola. Ang panlima niyang Personal Assistant ay nag-resign dahil sa ugali niyang hindi katiyaga-tiyaga.

Init na init at halos mamuo na ang make-up sa kanyang mukha dahil sa sobrang pawis. Gamit ang kamay niya, pinaypayan nito ang mukha.

"Damn it! Asan na ba ang PA na 'yan? Ako ang boss, ako ang maghihintay?" aniya  at halos lumaki na ang butas ng ilong sa sobrang galit.

"Ma'am Precious!" tawag sa kanya ng isang babaeng cowboy ang itsura, suot ang sneakers, six pocket pants at itim na t-shirt ang lumapit sa kanya.

"Ako po pala si Bea! But you can call me Babe! Pasensya na po at ngayon lang ako nakapunta dahil naglakad lang po ako," giit ng dalaga at nagmadaling kunin ang bag niya.

"Oops! Not my bag! Sasusunod, huwag mo akong paghihintayin kung ayaw mong masisante! Laki-laki ng advance payment mo kay Lola tapos late ka sa first day mo!" sigaw nito kay Babe at napayuko naman ang dalaga.

"Sorry po, tinulungan ko lang po kasi si Lola sa hospital," sambit nito at sinubukan nginitian si Precious.

"Huwag ka nang uulit!" sigaw ni Precious.

Kung ano-ano ang pinabuhat niya rito, mula sa mabibigat na books sa music lesson at iba pang gamit. Ngayon na hinihintay niya si Luke dahil sa date nila. Hindi rin niya alam kung paano tatakasan ang PA dahil siguradong irereport siya nito sa kanyang Lola.

"Luke!" Pagtawag ni Precious at dali-dali naman lumapit ang binata sa kanya.

"Precious! Mukhang may nag-hihintay sa'yo sa labas kilala mo ba?" wika ni Luke

"My new PA, alam mo naman si Lola gustong may nakabantay sa'kin at para na rin daw may inuutus-utusan ako," aniya nito at sinandal ang ulo sa dibdib ni Luke.

Napangiti ang binata at bilang isang lalaki, gustong-gusto na niyang sunggaban si Precious. Alam niyang nakikipag-laro ang dalaga sa kanya, kung kaya't pati siya'y laro rin ang turing dito.

"So, tatakas pala tayo?" sambit ni Luke at hinapit ang beywang niya.

"Ay sorry po! Ma'am Precious, hindi ko sinasadyang marinig ang pinaguusapan niyo. Hindi naman po ako magsasalita tungkol sa date niyo," dire-diretsong sinabi ni Babe.

"Get out stupid!" sigaw ni Precious.

Walang nagawa si Precious kung hindi isama ang assistant niyang si Babe, para itong buntot kung sumunod sa kanya.

"Ma'am Precious, pwede ka bang uminom ng alak? Under age ka pa, plus alam ba ni Donya Fanny iyan?" inosenteng pagtatanong ni Babe sa kanya.

"Alam mo assistant lang kita, hindi kita Ina para bawalan ako! Lumugar ka nga, utusan lang kita!" Sigaw niya rito at halos ambain niya ng palad ang mukha ni Babe.

Maingay at mausok ang lugar, halos lahat ng kabataan ay may kalokohan na ginagawa sa loob ng bar.

"Here," aniya ni Luke at inabutan siya ng alak. Walang pasabi at basta na lamang ininom ni Precious ang alak, kaliwa't kanan lamang nakatingin si Babe kay Luke at Precious dahil sa bulgaran nilang paghahalikan.

"Luke!" Halos umikot ang paningin ni Precious nang bigla siyang hatakin ni Luke papunta sa dance floor. Tila  ito'y lumulutang sa alapaap.

"Let's dance Precious," sambit ng binata at hinawakan niya ang balakang ng dalaga upang mapalapit sa kanyang katawan.

Unti-unting mas naging agresibo ang Music Professor ni Precious sa kanya. Habang siya'y walang malay at nakangiti lang.

"Luke, ohh gosh," hiway nito nang maramdaman ang kamay nitong tumungo sa maselan niyang parte.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Where stories live. Discover now