Careless 15

925 76 15
                                    

Careless 15

FLASHBACK

Sakay ng taxi ang dalaga at patuloy pa rin siyang naghihintay sa text ni Austine. Panay ang pagpatak ng luha niya dahil nilamon na siya ng sama ng loob.

"Alam kong ikaw lang ang magpapabuti ng loob ko, ikaw na lang ang meron sa'kin," bulong niya habang nakatingin sa labas.

Lumiwanag ang mukha ng dalaga nang makita niya ang pangalan ni Austine sa kanyang cellphone. Dali-dali niyang binuksan ang text message.

"Come here, Motel 101 room five."

"Manong! Motel 101 po," mabilis na sinabi ni Precious sa taxi driver.

Inip na inip siya at gusto na niyang mapuntahan ang binata. Alam niyang hindi pormal ang lugar na kanyang pupuntahan, pero alam niyang malinis ng intensyon ng binata sa kanya.

Ilang sandali at narating na niya ang motel. Diretso lang siyang pumasok at kumatok agad sa pintuan.

"Aust---"

"Precious? What are you doing here?!" nabiglang bungad ng binata.

Akmang papasok si Precious pero hinarang siya ni Austine.

"Mag-usap tayo sa labas," aniya ng binata.

"Babe sino 'yan?" sambit ni Martina.

Para bang may pumunit sa puso ni Precious nang makitang takip lamang ng kumot ang bumabalot sa katawan ni Martina.

"Manloloko ka!" Sigaw ni Precious at nag-iwan ng malakas na sampal kay Austine.

"Precious wait!"

Nanghihina ang tuhod ni Precious at halos madapa na siya dahil sa kanyang nakita, dagdag pa ang natitirang tama mula sa alak na kanyang ininom.

"Precious!"

Naabutan siya nito at hinablot ang braso niya. Muling dumapo ang kamay ni Precious sa mukha ng binata.

"Manloloko ka! Nagbibilang ka nga lang talaga ng babae! Nagsisisi ako na mahalin ka!"

"Mag-usap tayo ng maayos, hindi rito!" Singhal ni Austine at hinablot ang dalaga.

"Nahihiya ka kasi manloloko ka? Ang kapal ng mukha mo, may nalalaman ka pang nirerespeto mo ako, pero sa puta ka naman pumapatol!"

Napayuko si Austine dahil parang teleserye ang eksana nila. Bukod sa napaka raming tao ang nakatingin sa kanila. Wala rin damit pang-itas ang binata, tanging pantalon lamang ang soot nito, kung kaya't pati ang katawan niya ay pinagpipiyestahan.

"Halika sa kotse!" Galit na sinabi nito at hinablot ang braso ng dalaga.

Patuloy ang pagmamaktol ng dalaga hanggang sa makasakay na sila sa loob ng sasakyan.

"Ibaba mo ako!" Aniya ni Precious at pilit binubuksan ang pintuan.

Awtomatikong nakasara ang pintuan kung kaya't hindi rin niya ito mabubuksan ng basta.

"Tumigil ka!" Singhal ni Austine sa kanya.

"Ibaba mo ako! Ayokong makasama ka!"

"I said, shut the fuck up Precious!"

Napatigil ang dalaga at nakita niyang pulang-pula ang mukha ni Austine. Natakot siyang makita ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa manibela. Mula sa maugat nitong kamay na halos pumutok dahil sa sobrang galit. Gustong magbasag at magalit ni Austine. Alam niyang wala pa siyang karapatan na magalit o magselos. Pero gusto niyang siya lang ang gustuhin ng dalaga.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Where stories live. Discover now