Careless 7

1K 73 9
                                    


Careless 7

Muli nilang binalikan ang bar kung saan nakapark ang kotse ni Austine. Pahikab-hikab na si Precious, pero pilit niya itong tinatago dahil gusto niyang sulitin ang araw na kanyang pagtakas. Habang sila'y nasa loob ng sasakyan, napangiti si Precious sa kawalan at hindi niya maiwasan na mapaindak.

He's playing 'The Promise by When in Rome'

"That's a new wave genre?" aniya ni Precious

"Yeah."

"Bukod pala sa classic, 'iyan ang gusto mo?" sambit ni Precious.

"Yeah, I just heard this song from Kuya Aiden, ito ang pinagkakasunduan namin all about music," pagkukuwento niya.

"Really? Hindi ba't siya ang Kuya mong nakulong? Nakawala na ba siya?"

"Yup, ilang buwan na rin ang nakalipas, maiba ako Precious," aniya ng binata

"Ano 'yon?"

"Wala bang nakasunod na guard sa'yo? Baka kasi ako ang makulong, menorde edad ka pa. Lalong ayokong mabahiran ang pangalan ko," nilingon siya ng binata at ngumiti.

"Wala, magaling akong tumakas," pagngisi ng dalaga

Ilang sandali, dinala niya si Precious sa Tagaytay, ito ang lugar kung saan lahat ng artwork niya ay nakatabi. Lalong dito rin niya dinadala ang iba't ibang model. Una ang  painting session,  pagkatapos siguradong milagro  ang kasunod na  kaganapan.

Sa kanilang pagpasok, halos malaglag ang panga ni Precious dahil sa maraming babae na nakahubad sa mga portrait.

"What the hell? Ganyan ba ang artwork mo?!"

"Yeah? Why? Ganda diba?" pilyo nitong sinagot sa kanya.

Naupo si Precious sa couch at nakita ang kaisa-isang mukha na kakaiba.

Maamo ito at mukhang hindi makabasag pinggan.
"Who's she?"

Nilingon siya ni Austine at sinilip ang kanyang tinatanong.

"She's the most important woman in my life," seryosong sinabi nito at hinanda ni Austine ang sketchpad kasama ang mga pintura niyang gagamitin. Iba ang dating kay Precious at nakaramdam siya ng inggit.

"She's so lucky! Sino kaya siya? Maganda rin kaya sa personal? Halatang in love si Austine sa kanya," she whispered.

"Austine! Gusto ko rin magpapinta!" Bulalas ni Precious at tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Para bang kinakalkula ng binata ang kanyang katawan.

"Take off your clothes," wala sa wisyong sinabi ni Austine.

Nagulat si Precious at napakagat ng labi. Gano'n din si Austine na nag-iwas tingin.

"No, pu-pwede bang mukha ko lang?" nahihiyang sinabi ni Precious.

"A-ah, f-fine," tumalikod ang binata at biglang napangiti sa kawalan.

"I'm so stupid, bakit ko ba sinabi 'yon? Nakakahiya ka, baka pagkamalan ka niyang manyakis," parang magbibinata si Austine at nahihiyang tumingin sa dalaga.

Pumuwesto si Precious sa  couch at inayos ang kanyang buhok.

Para bang may nagliparan na paru-paro sa tiyan ni Austine habang pasimple siyang sumusulyap sa dalaga.

Gamit ang kamay, ito lang ang pinansusuklay ng dalaga.

Tumayo si Austine at kinuha ang plaka pagkatapos ay inilagay sa Phonograph player.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Where stories live. Discover now