Whisper 33

799 71 13
                                    

Whisper 33

"Bro! I didn't know na mahilig ka pala sa barbie!" pang-uuyam ni Craig sa kanya.

"Shut the fuck up! Charity lang ito!"

"Oh? Bait talaga, bakit hindi ka na lang sumama sa Kuya mo at mag Pari!" giit ni Craig.

"Magugulo ang simbahan kapag ako ang pumasok. Dahil lahat ng lagusan papasukin ko!" pagtawa nilang dalawa.

"Anyway, hindi na kita nahintay at ang tagal mo kasi. Nakapili na ako ng regalo sa girlfriend ko," aniya ni Craig at ipinakita ang necklace

"Ako pa ang matagal? Nagmukha na nga akong supervisor dito kaka-ikot!" Hindi niya pinansin ang ipinakitang kwintas ni Craig dahil inip na siya at gustong nang umuwi.

"Uuwi na ako," biglang sinabi ni Austine.

"Oh okay!  Salamat kahit na naggaguhan lang tayo sa mall!" Masayang na sinabi ni Craig at tinapik ang balikat niya.


Patuloy sa paglalakad ang mag-ina dahil wala pa rin napipiling sapatos ang kanyang anak.

"Mama, huwag na muna po akong bumili ng shoes, pwede naman po  sa susunod na araw. Pagod po kasi kayo, 'yung mata niyo po parang pipikit na," giit ng bata at hinalikan ang pisngi ni Precious

"Anak, mapapagalitan ka na naman sa school. Bumili na tayo kahit pansamantala lang naman."

"Mama huwag na po, baka po wala ka nang pamasahe mamaya. Sabi po kasi ni Ninang Jobert lagi po kayong naglalakad dahil walang pamasahi."

"Nako, sasabunutan ko itong si Jobert. Okay lang si Mama. Ako na ang bahala, bibilhan na kita."

"Mama huwag na! Ayoko rin po kasi, hindi sulit ang bayad. Bibili po tayo rito tapos kalaunan masisira rin naman. Sasusunod na pasukan na lang po dahil malapit na rin po ang recognition day."

"Anak, 'yun nga e. Kailangan mo ng bagong shoes. Hindi ba't nasa honor ka? Aakyat ka sa stage tapos naka-sneakers ka? Hindi pwede 'yun."

"Mama makulit," nangamot ng ulo ang bata at nagpalatok ng bibig.

"Hay, okay sige. Basta bukas or next week bibilhin ko 'yung cinderella shoes! Promise ito at hindi mabo-broke. Okay ba?"

"Copy mama!"

Bitbit ni Austine ang pinamili niya para sa anak ni Precious. Pinuntahan niya ito sa bahay, kung saan niya ito dating sinundan.

"Boy!" Tinawag niya ang  isang binatilyo at lumapit naman ito sa kanya.

"Bakit Ser?"

"Ipasuyo ko sanang ipaabot ito  sa bahay na iyon. Pagbalik mo rito bibigyan kita ng pera, basta huwag mo sasabihin na galing sa'kin," giit ni Austine.

"Ah! Sa bahay nila Jobert! Nako at barbie talaga ang gusto nito!" aniya ng binatilyong kausap niya.

"Ha? Ano?"

"Bakla po kasi si Ate ay este Kuya Jobert," pagkukwento ng binatilyo. Kunot ng noo si Austine at pilit iniintindi ang sinabi sa kanya.

"Ibigay ko na po!"

Sinundan niya lamang ng tingin ang binatilyo hanggang sa isang matanda ang kumuha ng regalo niya para sa anak  ni Precious. Dali-dali namang lumapit ang kanyang pinag-utusan at inabutan niya ito ng isang libong piso.

"Boy! Teka may tatanong pa ako," paghabol niya.

"Ano 'yon Ser?"

"Hindi ba asawa no'ng Jobert si Precious?" interesado niyang pagtatanong.

"Nako hindi po! Disgrasyada po si Ate Precious! Si Jobert po kaibigan niya. Kilalang-kilala po sila dito dahil sa mga pinagkakautangan nila."

Napatango na lamang ang ulo  si Austine dahil sa kanyang mga nalaman. "Sige ser salamat sa pera! Ako si Boyet, hanapin niyo na lang po ako kung may uutos ka pang ipapaabot!"

"Sige salamat."

Hanggang sa pagsakay niya ng kotse, hindi mawala sa pag-iisip niya ang sinabi ng binatilyo.

"So  wala siyang asawa? It means she's still single. I can still pursue my sweet revenge to her."

Abot langit ang ngiti niya at kung ano-ano ang pumapasok sa kanyang isipan.

Sa kanyang pag-uwi, sinalubong siya ng Ama at halos ibalibag ang dokumento sa kanya.

"Eve Del Monte is waiting for you to sign this! Anong ginawa mo? Puro kalokohan at pagtakas ang ginagawa mo? Mahigit na sa sampung babae ang sumuko sa'yo! Si Eve lang ang nagti-tiyaga na hintayin ka!"

"So? She wants a great fuck with me."

Naramdaman ni Austine ang malakas na sampal mula sa kanyang Ama. Alam niyang nanggagalaiti na ito sa galit. Walang matinong sagot na nakukuha ang Ama niya mula sa kanya. Dagdag pa ang kabalastugan niyang ginagawa.

"Hindi ko matanggap na may bastos akong anak tulad mo! You are such a disease!"

Hindi niya pinansin ang ama at nakuhang lumabas muli ng bahay.

"Iiwan mo na naman ang anak mo ha! 'Yan ba ang pagiging Ama, Austine!?"

"Hindi ko pinababayaan ang anak ko, Dad! Kaya huwag kayong umasta na naging mabuting Ama sa'min!"

Pinagbagsakan niya ng pintuan si Smith at minaniobra ang sasakyan. Walang katapusan na pagmamaneho ang kanyang ginagawa, parang buhay niyang walang patutunguhan.

 ******

"Precious!" Tawag ni Nanay Luz.

Nagulat naman ang mag-Ina dahil pagtapak nila ng tahanan ay masayang bati agad ni Nanay Luz ang kanilang natanggap.

"Alam mo bang may nagpadala ng sapatos at barbie doll para kay Phoebe?"

"Talaga po?"

Agad hinalungkat ni Phoebe ang kahon at tuwang-tuwa ito na ilabas ang Cinderella shoes na gusto niya.

"Wow? Kanino raw po galing? Tinitingnan lang po namin ito kanina sa mall?" aniya ni Precious at tuwang-tuwa na makita ang magarang laruan para sa anak niya.

"Mama! Ang ganda po! Baka po 'yung sales lady? Mama ang ganda po talaga! Pati po itong barbie! Hindi na po stick ang barbie ko! Totoong lauran na po!" naglulundag si Phoebe habang yakap-yakap ang  sapatos at laruan.

"Nanay Luz, sino naman po kaya 'yon? Wala naman po akong matandaan na mayaman, na kaibi--- baka si AKkio!" Bulalas ni Precious

"Ha? Hindi ba't nasa Australia pa siya? Kaka-alis lang niya noong isang buwan ha?" giit ni nanay Luz.

"Nanay baka lang naman po," sambit niya.

"Precious, Nanay Luz! I'm hired! May regular na akong trabaho!" saad ni Jobert at halos sumayaw na ito sa sobrang tuwa.

"Talaga ba? Saan Jobert?!" saad ni nanay Luz.

"Pagawaan po ng mga wedding gown! Taga check po ako ng inventory! Mabuti at may background ako noong nagtrabaho sa RDU ng grocery!" Masayang sinabi ni Jobert.

"Talaga!? Ang galing mo talaga beks! Pasok mo naman ako! Baka nangangailangan sila ng mananahi?"

"Ay nako! Nag-print ako ng resume mo! Ipinasa ko na! Kapag may tumawag sa'yo, alam mo na ang ibig sabihin no'n!" masayang sinabi ni Jobert ay hinagkan ang dalawang babae.

"Ako rin po payakap!" sumingit si Phoebe at nakigulo sa  mga ito.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Where stories live. Discover now