Careless 19

780 64 9
                                    

Careless 19

FLASHBACK

"Sana hindi mo na ako pinagtanggol, siguradong ako ang pupuntiryahin nila!" Aniya ni Precious.

"Hindi mangyayari 'yon. Kesa hayaan kita na masaktan ng pinsan mong mukhang modyako," giit nito.

"Anong modyako?"

"Tinapay na hinamapas ng harina, ang puti ng mukha e!" Sagot ni Austine sa kanya at ngumiti pa.

"Bakit masaya ka pa? Nakita mo naman kung ano ang nangyari!" bulalas niya.

"Kung magagalit din ako, baka basag na ang mukha nilang lahat. Huwag ka nang umiyak, hindi pwedeng ganito ka sa pag-alis ko." sambit ni Austine.

Napatingin si Precious sa kanya.

"What do you mean aalis? Anong ibig mong sabihin, iiwan mo ako?"

Nakuhang itabi ni Austine ang sasakyan upang magkausap sila ng masinsinan at maayos.

"Hindi ko nasabi agad, noong isang araw ko lang naman natanggap ang offer tungkol sa pagtatrabaho ko sa Los Angeles," aniya ng binata.

"Iiwan mo ako! Ang sinabi mo makakasama mo ako! Hindi mo ako iiwan, 'yan ang pinangako mo tapos malalaman ko ngayon, na aalis ka?!"

Mabilis na lumabas si Precious sa sasakyan at hinabol siya ni Austine.

"Come on babe! This is my dream, ito na ang pangarap kong matagal na hinihintay. Ayokong maging clone ni Dad, that's why lahat ng effort ginagawa ko para mapatunayan na hindi ako tutulad sa ginugusto niya para sa'kin."

"Pero iiwan mo ako! Ang layo ng America sa Pilipinas! Paano kung may makilala kang iba! Samantalang ako naghihintay lang dito! Ikaw na lang ang meroon sa'kin! Ikaw na lang ang taong masasandalan ko. Pagkatapos iiwan mo pa!"

"Papakasalan pa kita Precious, 'yun ang isang pangako."

"Na pwedeng mapako! Malayo ang distansya natin! Hindi ko kayang iiwan mo ako! Maghiwalay na lang tayo kung 'yan ang gusto mo!"

Hinablot ni Austine ang kamay niya at hinatak pabalik.

"No! Hindi tayo maghihiwalay! Wala ka bang tiwala sa'kin? Hindi ko makakayanan na lokohin ka! I will never do that to you!" aniya ni Austine at hinagkan siya.

"Ayoko, maghiwalay na tayo! Kung iiwan mo rin ako, mabuti ng wala na rin tayong komunikasyon!" pilit siyang nagpumiglas pero malakas ang binata at hinatak siya upang maipasok sa sasakyan.

"Let me--" naputol ang pagsasalita ni Precious nang biglang may humatak sa kamay niya.

"Let her go!"

Tinapunan ng suntok ni Luke si Austine kung kaya't nabitiwan niya si Precious. Inilagay niya si Precious sa kanyang likuran upang maprotektahan ang dalaga.

"Huwag kang makialam sa'min ng girlfriend ko," kalmadong sinabing ni Austine at pinunasan ang dugo sa kanyang labi.

"Ahas ka! Pinagkatiwalaan kita bilang kaibigan pero inahas mo ang babaeng gusto ko!" sigaw ni Luke. Makukuha pa niyang magtapon ng suntok ngunit nakaiwas si Austine at tumawa.

"Bakit hindi ka umamin pare? You drugged her! Ganyan ka ba kahina? Kailangan mong painomin ng ecstacy ang babae para lang mawala sa sarili?" pang aasar ni Austine. Napatingin si Precious sa kanya lalo na kay Luke.

"That's not true! Mula't sapul na estudyante ko si Precious, hindi ko siya binastos!" aniya nito.

"Kung matatandaan mo lang Precious noong hinatid kita sa bahay niyo ng lasing. Kaya wala ka sarili dahil kulang na lang betsinin ka ng hayop na ito!" sigaw ni Austine at sinugod si Luke.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Where stories live. Discover now