She's Trapped

616 33 3
                                    

32. Just A Little More

...

Hindi ko alam ang mararamdaman nang matagpuan ko syang nakaupo sa side ng pool. Para syang bata kung paano paglaruan ng paa nya ang tubig.

"You're funny" sambit nito kahit nakatalikod sakin.

"Talagang dito ka pa dumiretso to check kung nalulunod na naman ako" dagdag nya at mahinang tumawa.

She's right. I went directly here just to check on her. I think anyone will do the same though.

Aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan kamay ko. Paglingon ko ay nagtama ang mata namin at siya rin ang unang umiwas subalit hindi niya pa rin akong nagagawang bitawan.

"Dahil nandito ka na rin naman stay for a while"

She tapped the space besides her gesturing na dun ako maupo. Hindi ko alam kung anong meron sakin at sumunod sa kanya.

"Hindi ka na ba galit sakin?" tanong nya makalipas ng sandaling katahimikan.

"I hated you" maikling sagot ko subalit nagawa nya lamang iyon tawanan.

I look at her annoyingly. Seriously?

"Hated. Past tense" she pointed out.

"Tch"

Isang mahinang tawa na naman ang sinukli nya. Hindi ko itatanggi na somehow I like this kind of atmosphere between us.

"Bakit ayaw mo silang makaharap?"

I saw her friends outside earlier and kuya Rover told me that they want to talked to Re but she refused and hide here.

"I can't face them" malumanay niyang saad.

"Alam ko namang wala silang kasalanan. Hindi sila nagsinungaling, hindi lang sila nagsalita. Wala akong karapatang magalit dahil ganun din ang ginawa ko pero--

Napatitig ako sa repleksyon namin sa tubig. Bahagyang siyang nakangiti subalit kabaliktaran nun ang sinasabi ng kanyang mata.

"Nakakapagod din pala"

I felt a pang when she chuckled without humor.

"Nakakapagod din magmukhang tanga. So how are you and Allen?" biglang pagiba niya ng topic.

Kumunot ang noo ko at hindi agad nakasagot. Ganun ba talaga sya kadesperadong ibahin ang usapan at sa lahat ng pwede nyang banggitin yun pa ang napili nya.

"Do you love him?"

I clenched my fist and glared at her pero agad ding nabura ang ano mang galit na nasa loob ko nang makita ang komplikadong emosyong sinasalamin ng kanyang mata.

"I envy him" dugtong niya. "Looks, fame, wealth, from a prominent family. He has it all" she said while intently staring at me.

Hindi ko magawang maiwas ang tingin sa kanyang mga mata. Hindi ko mabasa ang nasa likod ng mga ito. Ang traydor kong puso ay walang tigil sa pagwawala. Sa sobrang lakas ay natatakot ako na marinig nya ito.

Her stares brought shivers down to my spine. 

Bumaba ang tingin nya sa parteng labi ko. Tila naparalisa ako sa kinauupuan, hindi ako makagalaw. Tinawid nya ang distansya at tila huminto ang makamundong oras nang maramdaman ko ang paglapat ng kanyang labi sakin.

Nothing has changed. It still the softness that makes me weak. The fairytale-like feeling. The overwhelming emotions. What I'm doing? Why I can't find a strength to push her? Instead of closing my eyes?

This is crazy. She's still making me crazy.

Napamulat ako nang maramdam ko ang paglapat ng likod ko sa sahig. She's on top of me with unreadable expression.

Just A Little MoreWhere stories live. Discover now