One Unexpected Banter

492 33 1
                                    

23. Just A Little More

...

Mas binilisan ko ang pagtakbo nang matanaw kong pasara na ang elevator. Hindi naman sana ako malalate kung hindi dahil sa mga kape ng mga seniors na thirty minutes kong ipinila. Tiyak na mapapagalitan na naman ako ni manager, my poor ears. Ihinaharang ko ang aking paa nang magsasara na ang elevator, waging napangiti naman ako. Pagkapasok sa loob ay napasandal ako sa pader habang napatitig sa mga kapeng dala dala, mukhang okay pa naman sila.

Nag-angat ako ng tingin para sana pakiusapan ang taong kasabay ko na makikipress sa seventh floor pero umurong ang dila ko nang makilala ito. Diresto lang  syang blankong nakatingin sa pinto. Napatuwid naman ako sa pagkakatayo at humugot ng hininga.

"Good morning" nakangiting bati ko pero wala akong natanggap na sagot.

"Won't you mind pressing seventh floor because as you can see.." ani ko habang itinataas ang mga kape.

Hindi man lamang niya ako nagawang lingunin ganunpaman ay ginawa nya ang pakiusap ko. 

Dahil hindi naman nya ako pinapansin ay inabala ko ang sarili ko na pag-aralan ang bawat anggulo nya. I admit na hindi ganito ang inaasahan ko sa oras na muli kaming magkita after fiver years.

Ano nga ba ang inaasahan ko?

Wala akong narinig o balita sa kanya sa nakaraang limang taon. All I knew I inflicted pain to her, well that's damn given.

Hindi ko maiwasang hindi mamangha, para kasi syang statue. Hindi gumagalaw, halos hindi nga rin ata sya kumukurap. Unfair talaga ng mundo, binuhos nila lahat ng kagandahan sa taong to, swerte ko na lang at naambunan ako.

"Are you going out?" napabalik ako sa wisyo nang marinig ang malamig nitong boses.

I smiled sheepishly. Bwiset nakakahiya.

"Yeah, thanks"

Nang makalabas ay napasimangot ako, hindi man lamang kasi ito tumingin kahit isang beses. Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Reyve, pwede pakiuna nito, kailangan na yan bukas at salamat nga pala sa kape" utos ni kuya Clover.

Magiisang linggo na rin simula nang magsimula ako dito. Hindi naman mahirap ang trabaho kaysa sa inaasahan sadyang tambak lang at hindi maiiwasan ang overtime. Hindi naman ako nirerequired pero pinipili ko pa rin, nagmumukha na kasi silang zombie sa umaga kaya dadamayan ko na.

"Stop na muna yan, Re. Pinapatawag tayo ni manager sa meeting room" biglang litaw ng ulo ni Samuel sa harap ng desk ko.

Kaedaran ko lang ito pero regular na sya samantalang ako trainee pa lang. Tumayo na ako at sumabay sa kanya papunta ng meeting room. Si Samuel ang pinakaclose ko dito sa department, nagkakasundo kasi kami sa pang-aasar sa mga boss namin lalo na kay manager.

"Para san ang meeting?" tanong ko habang inaayos ang bangs, nastress na rin kasi ito sa mga gawain.

"Walang meeting ipapakilala ni manager ang bagong head ng department"

"Bakit? Nagresign na ba si Mrs. Pilar?"

"No idea" kibit balikat na sagot nito.

Tinaasan ko naman sya ng kilay. Naghihimala ata ang lalaking to.

"Bakit hindi mo alam?"

"Kailangan ba alam ko? Mukha ba akong tsismoso?"

"Hindi ka mukhang tsismoso dahil sadyang tsismoso ka"

Pinalo ko ang kamay nya after nyang guluhin ang buhok ko.

"Ano ba! Kakaayos ko lang eh" angal ko pero ang mokong nagawa lang akong akbayan.

Just A Little MoreWhere stories live. Discover now