Re

552 37 0
                                    

30. Just A Little More

...

"Bakit hindi mo na lang bilhin pareho?" tanong ko sa kanya.

Kanina nya pa sinusuri yung dalawang branded milk na hawak nito at kanina ko pa rin sya pinapanood. Kung alam ko lang na gagawin nya akong taga-tulak ng push cart sana pala hindi ko na sya kinita.

"Sayang naman kung maeexpired lang" sagot nito.

"Para sa isang mayamang kagaya mo hindi ko inaasahang maririnig ko yan" manghang sambit ko.

Hinarap ako nito saka pinaikutan ng mata.

"Seriously? Ganyan ba talaga tingin nyo samin?"

Napanguso naman ako. Hindi ko naman kasalanan kung may ganung klaseng image ang mga mayayamang tao. Normal lang sa mga commoner na gaya ko ang magisip ng ganyan.

"Hindi naman sa ganun Pia pero kasi pwede bang pumili ka na nangangalay na kasi ako kakatayo at kanina pa kumakalam ang sikmura ko"

Bumuntong hininga ito ay nilagay sa cart ang napili nya.

"Fine, where do you want to eat?"

"Ikaw na bahala since libre mo naman"

Dahil may mabuti akong loob ako na ang nagbuhat ng mga pinamili nya papunta sa kanyang sasakyan.

"Lahat ba ng naging patient mo ginagawa mong tagabuhat ng grocery item?" pagbibiro ko habang nilalagay sa loob ng sasakyan ang mga pinamili nya.

"Of course not, but you're special so I'm giving you special treatment" sarkastikong anas ni Pia.

"Thank you ha, very much appreciated"

"Bakit ba pinagmumukha mo akong masama dito?" she groaned.

Muntik na akong matawa sa hitsura nito.

"Ganyan ba talaga epekto ng Philadelphia, nagiging pikunin ata kayo" pangaasar ko pa lalo.

"Ewan ko sayo" aniya habang inaayos ang seatbelt.

"Ang init ng ulo, sayo ata nagmana si Amie"

"At kailan ka pa naging mapang-asar? Are you doing this on purpose?" seryosong sambit nito na nagpatahimik sakin.

"I'm really glad when you called me but--

"Pia, I'm only here because you agreed that you won't ask me questions. I'll tell you what I can tell so please for now stick to our agreement"

Pansamantala itong natahimik.

"I understand"

Nanatili kaming walang imik hanggang sa makarating kami sa isang restaurant. Naiwan ako magisa sa table nang magpaalam si Pia na gagamit ng restroom. Napatitig ako sa entrance ng restaurant, hindi lamang atensyon ko ang nakuha nila pati na rin ang ilang naririto sa loob ng restaurant. You can't blame us, they just looks so good together.

Maamaze na sana ako pero masyado ata silang touchy touchy sa isa't- isa, ansakit sa mata. Tss. I will never be a fan of pda.

"Nakapili ka na ba?"

Hindi ko napansing nakabalik na pala si Pia.

"Omg, they are both gorgeous"

"How I wish I could have a boyfriend as handsome as he is"

"Aw, he's so gentleman"

The girls behind us giggled. Napunta ang tingin ni Pia sa dalawang taong pinagpepyestahan ng mata ng mga naririto.

Just A Little MoreNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ