She is Unfair

676 36 0
                                    

37. Just A Little More

...

"Congratulations" nakangiting bati ko nang magtama ang mata namin.

Ngumiti sya pabalik, but this time its different, it's genuine, the rare one. Ito ang unang pagkakataon na muli ko itong makita pagkatapos ng limang taon.

"Thank you" she mouthed.

Naglalakad siya palapit sa pwesto namin nang biglang may dalawang taong sumunggab sa kanya ng yakap.

"Finally, graduate na tayo" sigaw ni Tyron.

"Mahiya ka nga sa iba ang lakas lakas ng boses mo" sita sa kanya ng pinsan ni Pia, si Amiera.

Palapit sila samin nakasuot ng toga dala dala ang kanilang diploma. Nasa tabi ko ang mga kaibigan ko, si ate Fiona, sila Kuya. Nandito rin kanina si Ate subalit kailangan niyang umalis dahil may meeting syang dadaluhan.

"Congratulations sa inyo" sabay sabay na bati nila.

"Thank you po"

"Galit pa rin ba sya?" mahinang sambit ni Re na hindi pinansin ang mga kasama namin. She sounds disappointed.

"Is it about ate?" I asked her. "Nandito siya kanina but she has an important meeting with the board right now. She asked me to congratulate you in her stead"

"Thank you" she softly said.

Lumalim ang ngiti ko. I can see the happiness in her eyes.

"Ahem!"

Pareho kaming napalingon kay Alexa nang kunin nya ang atensyon namin.

"Yung ibang mga single dito ay nagugutom na" pagpaparinig nya, napairap na lang ako. Hindi na mawawala sa kanya ang pagiging epal.

"Mauuna na raw sila Zandro sa resto" sambit ni Kyna habang nakatingin sa phone nya.

"Ty, sasabay ka ba samin, may dala ka bang sasakyan?" tanong ni Re.

"Kay Amie ako makikisakay, she's insisting crush ata ako" tukso nito na agad na nakatanggap ng batok sa isa.

"Ulol! Asa ka. May taste kaya ako. At anong insisting ikaw kaya tong namimilit"

Natawa kami sa nasaksihan. They are funny when they are bickering.

Natigil kami sa pagtawa nang may isang lalaking lumapit samin. Mukhang kakilala nila Re dahil nagbatian sila hanggang sa mapunta ang mata nya sakin.

"I'm Levine Fortez" pagpapakilala niya pero hindi nya inalis ang mata sakin.

"Congrats in your graduation" sambit ni Kyna.

Inalis nya na ang pagkakatingin sakin at bumaling kay Kyna. He scratched the back of his head.

"Thank you"

"I'm hosting a party in my house. Everyone will be there, of course your friends are invited too"

"Sorry Levine, we have plans din kasi" sagot ni Amie.

"I see"

Muling bumalik ang tingin nya sakin. He grinned widely.

"Can I get your name?"

"Of course not. Shantel is a girl's name. It would be weird if people call you Shantel"

Napunta ang mata namin kay Re dahil sarkastikong turan nito. Makaraan ang ilang sandali ay humagalpak ng tawa ang mga kasama namin. Napakagat ako ng labi para pigilan ang sariling ngumiti.

"You and your jokes are still funny, Gonzon" nakangiting balik ni Kevin.

"Oh well thanks but I'm not joking"

Just A Little MoreWhere stories live. Discover now