She is Not a Sinner

640 33 0
                                    

36. Just A Little More

...

I can't contain my smile while watching her sleeping soundly. My fingertips run to her well-shaped face, her skin is so soft. The bags under her eyes are still visible, ilang araw ba siyang hindi nakakatulog ng ayos?

Dahan dahang bumukas ang kanyang mata. Malawak akong ngumiti at mabilis siyang dinampian ng halik.

"Good morning, hon"

Para akong nakalutang, tila may kumikiliti sa puso ko tuwing pinapanood ang paggising niya sa umaga.

"Good morning" inaantok na tugon nito bago muling ipinikit ang mata.

"Hindi ka ba papasok sa trabaho? I'm sure hinahanap ka na sa department"

"I don't want to go" nakalabing sagot ko.

"Busy kayo ngayon dahil sa new project. They need you there" mahinang sambit nya saka sumiksik sakin.

I softly chuckled. She's contradicting herself.

"What about you?" malambing na tanong ko at yinakap sya ng mahigpit.

"I'm planning to talk to my friends"

"Can we just stay here?"

"Shan, kailangan ka trabaho. Maawa ka naman sa mga employee nyo at isa pa huwag mo nga silang sungitan"

Muli akong mahinang tumawa, instead kasi na lumayo ay mas sumiksik pa siya sakin.

"Hm. Five minutes"

Hindi na ito nagsalita dahil nakabalik tulog sya kaya ang dapat na five minutes ay nadagdagan.

Nothing can beat a morning with her.








Isang ngiti na lang ang ginanti ko sa mga employee na bumabati pagkapasok ko. Nag-aalangan pumasok ang iba sa elevator na kinasasakyan ko kaya ngumiti ako para sabihing ayos lang. Mukhang natauhan naman ito at sumakay ng elevator habang humihingi ng pasensya. Napailing na lang ako. This elevator is for everyone naman, why do they act na parang pinagbabawalan ko silang gumamit? Pagkapasok ko sa department ay mukhang nagulat sila sa pagdating ko bagaman ay nagawa nila akong batiin.

"Good morning, Ma'am Shantel" they greeted in chorus.

"Good morning" nakangiting bati ko.

Tila mas nagulat sila na ikipinagtaka ko. They have the same expression of those employees I saw earlier.

"Did she really just greet us back and smile?" dinig kong bulong ng isa sa kanila.

I just shook my head and went to my office. Yeah I forgot. Of course they will be surprised.

I stared at the pile of papers on top of my desk, I heave a sigh. Ilang araw lang ako nawala pero tambak na ang trabahong nakaatang sakin. I was hoping pa naman na makakauwi ako ng maaga.

"Here's the report for this month" wika ni Ms. Sanva.

Kinuha ko ang folder na inabot nya at pinasadahan iyon ng tingin.

"Thanks" mahinang sambit ko habang binabasa ang nilalaman ng folder.

"I'll take my leave now, and.."

Napatingin ako sa kanya dahil bahagya siyang tumigil.

"You smile beautifully, Ma'am. It suits you" nakangiting sambit nya bago lumabas.

Maybe I was really hard on them. The shock on their faces earlier was priceless. Nakangiting napailing na lang ako.

Masyado akong naging abala sa trabaho kaya hindi ko na namalayan ang oras. Pagsipat ko ng suot na relo ay napabuntong hininga ako na g mabasang mag-aala una na ng hapon. Nilabas ko ang cellphone para tingnan kong nagtext si Re, napababa ang balikat ko nang mapansing wala kahit isa. Hindi man lang ako nagawang iupdate. Maybe old habits die hard kahit gaano pa nagbago yung tao. I was about to compose a message for her when someone knocked in the door. I just told her  to come in.

Just A Little MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon