One More Time

568 33 1
                                    

21. Just A Little More

...

Nagising ako nang may naramdaman akong umaalog sakin. Napakusot ako ng mata at inaantok na umupo, inayos ko ajgs suot na salamin saka nakilala ang taong walang hiyang gumising sakin. Nakataas ang kanyang kaliwang kilay at nakahalukipkip.

Ano na naman bang problema nito?

"Pwede bang iwasan mo ang pagtulog sa field?" masungit na aniya.

"Tanghaling tapat ang sungit mo meron ka no?" nakangusong saad ko.

At dahil isa syang dakilang sadista ay nakatanggap ako ng hampas mula sa kanya.

"Ano ba, Hernandez! Masakit kaya" angal ko pero tinawanan lang ako ng baliw.

Tsk. Iba talaga pagkinapos sa gamot.

"Ikaw naman kasi. Anyway tinanggap mo ba yung offer ni sir Cortis?"

I sighed heavily. Sabi na nga ba itatanong niya iyan.

"Hindi pa, kailangan ko munang magpaalam kay madam pero ramdam ko na agad na hindi ako papayagan nun" naiinis na bulalas ko.

Tiningnan ako nito na parang hindi nya naunawaan ang sinabi ko.

"Hindi kita maintindihan, Re. Bakit bawat kilos mo ay kailangan mong ipaalam sa kanya? Duh hindi ka na kaya bata"

Tingnan mo tong babaeng to ang taray. Akala mo laging may kaaway, hindi na ako magtataka kung bakit wala syang kaibigan maliban samin.

Nagkibit balikat na lang ako saka tumayo at pinagpagan ang suot ko.

"Hoy Amiera, tama na ang pagpapantasya mo dyan malalate na tayo" pagtawag ko dito nang mapansing nagsasalita magisa.

Baliw talaga. Napailing na lang ako.





"Grabe naman si ma'am Reyes tatlong minuto na nga lang nagpaexam pa" pagrereklamo ni Amie sa tabi ko.

"Tulog pa kasi" pang-aasar ko.

Wala kasi syang naisagot sa essay sa exam. Ilang beses pa syang nahuling natutulog ng prof.

"Sino ba naman ang hindi aantukin sa klase nya?"

"Edi si Reyve"

Pareho naming naitulak si Tyron pagkatapos nya kaming akbayan. Ang bigat kaya ng buto ng hinayupak nato. Parang kabuteng bigla na lang nasulpot.

"Grabe talaga kayong mga girls, mapanakit!"

"Ako'y tigil tigilan mo sa kaartehan mo Tyron sasamain ka sakin" pagbabanta ni Amie na ikinatawa ko.

"Anong problema nyan?" naguguluhang tanong sakin ni Tyron.

"Huwag mong pansinin. Bagsak lang yan sa exam sa Contemporary World"

Pagkapasok namin ng cafeteria ay hinayaan namin si Tyron ang umorder ng pagkain. Syempre kami magbabayad nun kuripot kasi yung lalaking yan kahit na malaki ang allowance nya. Ganun talaga siguro pag may lahing singkit.

"Sowhh-- anhowng bawit-"

"Urgh! Watch your manners, Lopez. Lunukin mo muna yan bago ka magtatalak" iritadong sita ni Amie.

Red days siguro to, kanina pa ang init ng ulo. Gusto kong matawa nang hablutin ni Tyron ang tubig ni Amie at walang pasabing inubos ang lamam nun. Pinakawalan ko ang pinipigilan kong tawa nang makita ang hindi maipintang mukha ni Amie. Para syang constipated na ewan.

"Gago ka talaga Lopez bumili ka ng sayo" aniya at binato kay Tyron ang walang lamang plastic bottle.

"Ako kaya bumili nyan"

Just A Little MoreDonde viven las historias. Descúbrelo ahora