The New Year's Eve

622 41 3
                                    

13. Just A Little More

...

Matagal nang planado ng mga kaklase ko na sama-sama naming icelebrate ang New Year's Eve. Ilang buwan na lang daw kasi kaming magsasama kaya we should bond more. They are being overdramatic about our graduation.

Nasa malawak na oval kami malapit sa school. Abala ang lahat sa pag-aayos at paghahanda. May nagtatayo ng tent, nagluluto ng pagkain, at may gumagawa ng bonfire.

Nagawi ang tingin ko sa taong may pinakamaaliwalas na ngiti ngayong gabi. She's helping preparing the food. She's having a conversation with my classmates and they are enjoying both companies. Yung dalawa nyang kaibigan ay parang mga batang naglalaro ng apoy sa bagong gawang bonfire.

Lagpas six pm na nang mapagdesisyunan naming kumain. Sa isang mahabang lamesa nakahain ang pagkain sa ibabaw ng dahon ng saging. Tinatawag nila tong boodle fight, and I really don't like this. Hindi ko gusto ang ganitong paraan ng pagkain, magulo, at thinking na pareho nyung nahahawakan yung pagkain is kinda gross.

"Re, you can do the honor" nakangising sambit ni Ally.

Sabi kasi nila ako daw ang unang kakain. Wala akong planong kumain pero hindi nila ako tinantanan, yeah nila--means pati yung tatlo. Ewan ko but they said they want to experience this.

"Ano na Re aba aabutin talaga tayo ng bagong taon nyan"

"Huwag ka ng maarte sila Shan nga oh game na game"

I rolled my eyes. Kung hindi sila makapaghintay bakit hindi pa nila simulan.

"You really don't like this huh? But it looks fun" sambit ni Shan sa tabi ko. Binigyan ko ito ng 'seryoso ka ba?' na tingin. And she just giggled in my reaction.

"Tama na yang landian nyo hindi kayo mabubusog nyan, maawa kayo gutom na gutom na kami" sabat ni Alexa at tinawanan ng mga kasama namin.

"I'm just waiting for someone" walang buhay na sambit ko.

"Who?" nagtatakang tanong ni Shan.

Hindi ko nagawang sagutin ang tanong nya dahil dumating na yung tinutukoy ko. Nagulat yung tatlo habang nakatingin ng may paghanga ang mga kaklase ko sa bagong dating.

"Why did you invite her?" Shan asked coldly.

Hindi nya ako hinayaang makapagsalita, she suddenly walked out. Napatanga pa ako ng ilang sandali bago sya hinabol. I think Kyna won't be out of place dahil nandun naman yung dalawa.

"Shan!"

"Shan! Sandali!"

I grabbed her arm and turned her around. She looked at me in disbelief, clenching her jaw telling me naiinis sya.

"Why did you invite her? What the hell is wrong with you? Nakalimot ka na ba?"

"Shan--

"Did you forget everything that she did to us? to you?"

"Shan, lis-

"Paalisin mo sya ngayon din kundi ako ang gagawa"

"Shan--

"Because I'm telling you Re wala akong pakealam kung ano magiging tingin ng kaibigan mo sakin, I will seriously drag that girl hell out of here--

She stopped from grumbling when I rested by forehead on her's. Our face is so close, I can feel her breathing, she's panting.

"Calm down, Shan" bulong ko habang nanatili sa ganung posisyon.

"Ayaw kong mangialam pero subukan mo syang pakinggan. We don't know her story yet. I know how important she is to you, huwag kang magpabulag sa maling nagawa nya. Come on, we are here to enjoy the night. Let's bring out the best of the last hours of this year, hm?"

Just A Little MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon