The Blame

771 47 2
                                    

6. Just A Little More

...

I was doing my homework when tita suddenly called me. Lumabas na ako ng kwarto at agad din nagtungo sa sala kung saan ko sya nakitang nanonood ng T.V. Mag-aapat na araw na ang nakalipas mula nang magpunta ako sa syudad. After the incident ay agad din akong pumasok sa school to catch up sa mga lessons na missed ko, luckily my teachers gave me a consideration for what happened.

"Re, tingnan mo hindi ba kina Shan yan?" tanong ni tita habang nakatutok sa news.

I read the headlines.

'Villa Gracia Enterprise, nanatiling tahimik laban sa mga binabatong alegasyon'

Nagsimula ang balita nang pagkalugi at pagkakaharap sa patong patong na demanda ng Villa Gracia Enterprise nung isang araw. Kasabay nito ang balitang pang-aaresto kay Zandro Villa Gracia. I can't believe na ang mga taong nangunguna sa larangan ng negosyo kailan lang ay babagsak ng ganito. You can't predict what's going to happen next.

"Kamusta na si Shan, iha? Antagal na ng huli niyang dalaw dito"

Lingid sa kalamanan ni tita na pagkatapos kong mawala ay hindi na kami nagkita ni Shan.

"Hindi ko po alam, tita. Hindi pa po kami nagkakausap"

"Kamusta naman pala yang braso mo?" tukoy nito sa braso kong nakacast pa rin.

It actually feels weird moving with this but this won't be permanent.

"Okay naman po tita"

"Sige na, maghahanda na muna ako ng hapunan" aniya at nagtungo ng kusina.

Tita have a daughter, si Ate Fiona, but right now she's in the city to pursue her dreams to be a doctor, while her husband is working abroad. Sila na ang nag-alaga sakin simula nung bata pa lang ako, kaya ang huling bagay na gusto kong ibigay sa kanila ay sakit ng ulo. I always watch my actions, sinisiguro ko na hindi ako malalagay sa hindi kaaya-ayang sitwasyon. Yet ironically palagi akong nasasangkot sa gulo.

Bumalik na ako ng kwarto para tapusin ang ginagawa ko. Tumunog ang phone ko and then a chat head pops up. It was the GC, Ally mentioned me in the attachments she send.

'@Reyve Gonzon kapatid ba ni Shan si Zandro Villa Gracia? Pareho kasi ng surename hehe'

'That's shit par'

'Gad kamusta na pala si Shan'

'Tell her naniniwala kami na wala silang kasalanan'

'Miss ko na kamo sya'

'Hoy @John Mark Salvador huwag kang papogi dito shoo layas'

'La kang pake @Ally Loiuse Torres'

'Tangna nyong dalawa pareho kayong magsilayas'

'@Reyve Gonzon hoy huwag kang puro seen, famous lang?'

I turned off my phone at nagpatuloy saking ginagawa. Maya-maya ay tinawag na din ako ni tita para kumain. Napakusot ako saking mata ng maging blurry ang paningin ko pagkatayo. Maybe I should take a proper sleep, ilang araw na din akong nagpupuyat to finished all the activities na dapat kong ikomply. Bilang graduating students mahirap nang habulin ang isang araw na pag-absent, paano pa kaya kung isang linggo.

Every Sunday ay maagang naalis si tita papunta sa palengke, may maliit siyang stall doon ng prutas at gulay. Minsan sumasama ako pero dahil sa kalagayan ko ngayon ay pinili nya na lang na manatili ako sa bahay. I did some light household chores while she was gone. Pansamantala akong nagpapahinga nang makarinig ako ng komosyon sa labas. I'm not a fan of gossips so I tried to ignore it.

Just A Little MoreWhere stories live. Discover now