The Thing She Doesn't Own

493 33 0
                                    

18. Just A Little More

...

Pagbukas ko ng pinto ng bahay ay bumungad sakin si Tita. Makahulugan niya akong tiningnan, naglakad ako paupo sa sofa at ramdam ko ang pagsunod niya.

Tatlong araw na ang nakakalipas mula nang sumulpot si ma'am Suarez dito. Pilit kong inabala ang sarili ko sa mga gawain sa school sa mga nagdaang araw.

"Reyve, pwede ba kitang makausap tungkol sa nangyari nung nakaraang araw?"

After the confrontation tita gave me time para makapagisip. But honestly that wasn't necessary because I will never change my mind. I can't accept that person.

Instead na makaramdam ako ng tuwa knowing that my mother is just right there I found it creepy. Ilan taong nakakasalubong ko sya sa hallway, nakakasama sa isang kwarto at nakakausap pero wala akong ideya sa pagkatao nya. Hindi mabilang na pagkakataon ang meron sya pero she chose to watched me in secrets. It's damn creepy and disturbing.

"Gusto nyo po ba akong sumama sa kanya?" I can't hide the bitterness in my voice.

"Anak, kung ano ang desisyon mo susuportahan kita pero ayaw ko na pagkaitan mo ang sarili mo, wag mo na akong alalahanin. Gusto ko na sarili mo naman ang unahin mo"

"I want to stay here" mahinang sambit ko.

This is my home and they are my family. Wala ng iba. Hindi ko matanggap na maaaring magbago yun dahil lang sa isang tao. Bakit ba kasi nagpakilala pa sya? Sana pinagpatuloy nya na ang pagpapanggap at pagtatago.

Yinakap ako ni tita at kusang naglabasan ang luha ko. Nawala ang mabibigat na pakiramdam na ilang araw nang bumabagabag sakin.

"I'm sorry po" I said between my sobs.

"Bakit ka naman humihigi tawad alam mo namang bukas ang bahay para sayo, anak. Sya sya tahan na, kailan ka pa naging iyakin kung nandito ang ate Fiona mo aasarin ka na naman nun"

A smile crease in my face. Certainly, this is my home.

Pagkatapos kong gumawa ng mga assignment ay inopen ko ang phone ko. I shut it off to focus in the upcoming finals. I hate unnecessary distractions. I got tones of messages but I didn't bother to open them. Wala pa ilang minuto ay nagring na ang phone ko.

"What?"

"Why so grumpy?" nagawa pa ako nitong tawanan

"Ano kailangan mo?"

"I heard what happened"

Hindi ako sumagot.

"How are you?"

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.

"I'm fine, ate. So are you going to tell me now why you called?"

"You're really sharp"

"I'm not, you're just too obvious"

Isang katahimikan ang namagitan bago sya muling nagsalita.

"Can I borrow your savings?"

"How much do you need?"

"Thirty"

That's too much. Maaaring sa iba barya lang ang thirty thousand pero yan na ang kabuuang ipon ko ng ilang taon kasama na ang naipon ko sa pagpapart-time job.

"Babayaran din kita agad"

"Hindi yun ang inaalala ko ate. Alam ba ni tita to?"

"No. Don't tell her, Ar. She might overwork herself again"

Just A Little MoreWhere stories live. Discover now