Re and Shan

864 40 2
                                    

40. Just A Little More

...

"What the hell, Shan? Where are you? Kanina pa naghihintay si Ms. Domingo" sigaw ni Alexa sa kabilang linya.

Instead na makipagtalo sa kanya ay naghanap na lang ako ng maayos na pwesto kung saan maiipark ang sasakyan.

"Blame the traffic, Alexa" walang ganang sagot ko

"Argh, excuses! Alam mo naman gaano ka importante to!" frustrated na sabi nya.

Hindi ko sya masisisi. We are about to open our own business and here I am, almost screwing it up. Makikipagkita ako ngayon sa architect na napili namin for the shop architecture and its interior design.

"Sige na nandito nako" pinatay ko na ang linya bago pa siya muling lumintya.

Nagmamadali akong pumasok sa napag-usapan naming coffee shop na pagkikitaan. Hindi ko alam kung anong hitsura nito since hindi ko pa naman ito nakikita at hindi ko rin nareview ang profile nya na binigay sakin ni Alexa. Gusto kong ipasa ang trabahong to kay Kyna dahil sya ang magaling sa ganitong bagay pero masyado syang busy.

Nilibot ko ang paningin sa loob ng cafe, sabi ni Alexa nakasuot ito ng white. Hindi ko magawang humingi ng picture sa kanya dahil lalo lamang syang maiinis pagnalaman nyang hindi ako nag-abalang tingnan ang profile nito.

Kakaunti lamang ang tao sa loob kaya madali ko itong nakita. I assume na it was the girl sitting alone sa pinakadulo since siya lang ang nagiisang nakasuot ng white. Napangiti ako, I'm not that unfortunate at all. Sa totoo lang kanina pa sana ako nakarating kung hindi lang ako naipit sa traffic.

"I'm sorry Ms. Domingo for being late" sambit ko at naupo sa harap nya.

Napamaang ako nang hindi man lamang itong nag-angat ng tingin. Nakatutok siya sa cellphone nya pero sigurado akong narinig ako nito.

"Again, I'm sorry. Can we start now?" napapabugang anas ko pero nanatili itong walang imik.

Napakagat ako ng labi para pigilan ang sarili dahil sa inis na pinaparamdam ng taong nasa harap ko.

"Miss" puno ng diing tawag ko dito.

Umangat ang tingin nito sa wakas subalit nanatiling nakasara ang labi. She's freakin pissing me off. Pilit na hinahabaan ko ang pasensya ko dahil alam kung may pagkakamali rin ako dito.

"Listen, Miss. I'm sorry for being late. I got stuck at the traffic I know it's being irresponsible but-

My mouth hanged open when she didn't let me finish my sentence, she stood up and started to walk away.

What the fuck?

Hinablot ko ang braso nito bago siya tuluyang makalayo. That's it! She's getting into my nerves. She's not being professional.

She's wearing a simple plain white shirt. Average height, fair skin, thin pinkish lip, and paired of black perplexing eyes. She was frowning and without a word she removed my hand on her arm.

"Tss, crazy"

Nagpantig ang tenga ko sa narinig ngunit bago pa ako makapagsalita ay isang babae ang lumapit sakin.

"Are you Shantel Villa Gracia?" tanong nito kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko.

"Yes Miss and you are?"

Muli kong tiningnan ang bastos na kausap ko kanina pero bigla na lang itong nawala. Damn her. Akala nya ba sya lang ang architect dito sa bansa. Huh! For her information I can afford even hundreds of architects that I'm pretty sure more talented than her.

Just A Little MoreWhere stories live. Discover now